Bato tumagos sa dibdib ng batang nanonood ng pagputok ng 'Goodbye Philippines'
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bato tumagos sa dibdib ng batang nanonood ng pagputok ng 'Goodbye Philippines'
CEBU — Isang bata ang patay habang sugatan ang kaniyang mga kaibigan matapos sumabog ang paputok na "Goodbye Philippines" sa Talisay City, Cebu, nitong madaling-araw ng Bagong Taon.

Nanonood ng paputok ang 10-taong-gulang na biktima at ang kaniyang 4 pang kaibigan sa loob ng isang subdivision bandang alas-2 ng madaling-araw nang mangyari ang insidente, ayon sa imbestigasyon ng pulisya at ng barangay.

"Natamaan ng bato na tumilapon galing sa 'Goodbye Philippines' [ang bata]," ani Josefina Concial, barangay chair ng Candulawan.

Tumama ang bato sa dibdib ng bata at tumagos sa kabilang bahagi ng kaniyang katawan, ayon sa awtoridad.
Tumama ang bato sa dibdib ng bata at tumagos sa kabilang bahagi ng kaniyang katawan, ayon sa awtoridad.
ADVERTISEMENT
Sugatan naman ang kaniyang mga kaibigan na tatlong menor de edad at isang 18-anyos. Dinala sila sa ospital at nakatakdang operahan.

Napag-alamang malapit sa biyak na tiles pinaputok ang "Goodbye Philippines" na sinindihan sa pangalawang beses dahil hindi umano ito pumutok sa unang sindi.

Kabilang ang "Goodbye Philippines" sa mga ilegal na paputok sa bansa.

Patuloy na hinahanap ng mga awtoridad kung sino ang gumamit ng ipinagbabawal na paputok.

KAUGNAY NA ULAT:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT