Aso sa Negros tinadtad ng pana sa katawan

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Aso sa Negros tinadtad ng pana sa katawan

Romeo Subaldo,

ABS-CBN News

Clipboard

Umabot na sa P300,000 ang kabuuang pabuya sa makapagtuturo sa nag-indian target sa isang aspin sa Negros Occidental. Mga larawan mula sa Bach Project PH

NEGROS OCCIDENTAL — Nagpapagaling sa veterinary clinic sa Bacolod City ang aspin na si TikTok matapos siyang tadtarin ng 5 indian target o pana sa kanyang katawan.

Mabilis na kumalat sa social media ang sinapit ni TikTok. Umabot na ng P300,000 ang pabuya sa makapagtuturo kung sino ang may kagagawan nito sa kanya.

Ni-rescue ng grupong BACH PH Project ang aspin sa Hacienda Puyas, Barangay Blumentritt sa bayan ng Murcia sa Negros Occidental Lunes ng gabi.

Ayon sa veterinarian na si Aaron Pabalan, malala ang mga sugat ng aso pero mabuti na lang at naagapan ito. 

ADVERTISEMENT

Kinakailangang sumailalim sa therapy ng aspin na si TikTok para muli niyang magamit ang kanyang kaliwang paa na napuruhan.

Kuwento ng may-ari ng aso na si Leah Dela Cruz, laking gulat niya nang umuwi ang aso Linggo ng gabi na may mga indian target sa katawan.  

Hindi magkakalayo ang mga bahay sa loob ng hacienda sa kanilang lugar kaya't malayang nakapag-iikot ang mga aso ng mga nagtatrabaho doon.  

Hindi pa alam kung sino ang gumawa ng karahasan sa kanyang aso.  

Sa ilalim ng Animal Welfare Act of the Philippines o RA 8485, maaaring mabilanggo at pagmultahin ang mapatutunayang nag-torture at nagmaltrato sa hayop.  

KAUGNAY NA ULAT:




ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.