Bahagi ng tulay sa Isabela, bumagsak | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bahagi ng tulay sa Isabela, bumagsak

Harris Julio,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

ISABELA — Bumagsak ang bahagi ng bagong tulay na kumukonekta sa bayan ng Sta. Maria at Cabagan sa Isabela ngayong Huwebes ng gabi, February 27.

Ayon kay Aljorey Eduard Bernaser, assistant LDRRM officer, bandang alas-8:10 ng gabi nang makatanggap sila ng tawag tungkol sa pagbagsak ng tulay.

Nadamay sa insidente ang apat na dumaraang sasakyan kabilang ang isang dump truck, dalawang SUV at isang motorsiklo.

Nasagip naman ang anim na indibidwal na lulan ng mga sasakyan at dinala sa malapit na ospital.

ADVERTISEMENT

“So far ‘yung mga nailawan namin na sightings, wala naman na pong katawan. Overall lahat ng na-rescue natin ay conscious. ‘Yung motorcycle rider ang nabalian ng paa,” ani Bernaser.

Hindi pa malinaw kung anong bahagi ng tulay ang bumagsak pero nasa lugar na para mag-inspeksyon ang Municipal Engineering Office.

“Kasalukuyan pa po ang assessment ang engeering para magbigay ng initial findings sa sitwasyon ng tulay,” ani Bernaser.

Iniimbestigahan din ang dahilan ng pagbagsak ng tulay pero isa sa tinitingnang dahilan ay ang pagdaan ng dump truck na may kargang mga bato.

“Yung truck mismo na dumaan is carrying a heavy load, a lot of rock sa mismong trunk niya, kaya ‘yun mismo ang nakadagdag sa [bigat],” dagdag ni Bernaser.

Magsasagawa na rin ng imbestigasyon sa nangyari ang DPWH Region 2.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.