Bahay kung saan nirerepack ang mga expired na produkto, sinalakay ng awtoridad sa Laguna

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bahay kung saan nirerepack ang mga expired na produkto, sinalakay ng awtoridad sa Laguna

Dennis Datu,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Tumambad sa mga awtoridad ang  hindi mabilang na dami ng mga nakakahon at mga nakasakong ibat-ibang mga produktong pagkain na pawang mga expired na sa isang tindahan  sa Barangay Malaban, Biñan City, Laguna, Martes ng gabi.

Magkakasama ang mga Biñan City Police, Biñan City Business Permit and Licensing Office (BPLO) at Public Order and Safety Office (POSO) nang sumugod sa nasabing tindahan matapos makumpirma ang natanggap na impormasyon.

“Simula pa lang last week ay  may nagreport na sa atin, nagsurveillance tayo, upon investigation ang inspection ay nakita nga natin  na totoo at naging positive ang tip,” sabi ni Atty. Edward Vange Arriba, hepe ng Biñan City BPLO.

“Nang dumating kami kanina wala na yung may ari, wala na yung mga tao, nagtakbuhan na. Ang naiwan ay yung mga trabahante. 'Yung iba wala rin alam sa ginagawa. Amin ngayon kino-conduct ang interview at titingnan naming yung extent ng kanilang participation,” sabi naman ni Police Lt.Col. Allan Basiya, hepe ng Biñan City Police.

ADVERTISEMENT

Kabilang sa mga natagpuan na mga expired na produkto ay mga spaghetti noodles, cup noodles, canton, bihon, mga powdered at liquid milk na pambata at matanda, mga juice, softdrinks, kape, peanut butter, mga cheese na may uod na, mga delatang processed foods, biscuits at maraming iba pa.

May expired din na lotion at mga sabon.

Ang iba sa mga produkto na nakita ay ilang buwan nang expired habang ang iba naman ay noong nakaraang taon pa.

Pinapalitan umano ng mga tauhan ng tindahan ang expiration date at pagkatapos ay nirerepack bago ibenta sa murang halaga.

Kalimitan umano itong ibinibenta nang mura sa online.

ADVERTISEMENT

“Base sa tips natin ito ay umaabot na sa Metro Manila, using the known brand ng courier para makapagsupply sa Metro Manila, so may mga selected silang  area sa Metro Manila na binabagsakan ng mga goods galing dito,” sabi ni Rommel Lim, hepe ng Binan City Public Order and Safety.

Dinadala umano ng mga truck ang mga expired na mga produkto sa sinalakay na tindahan para ibenta sa halagang P60 per kilo.

“Upon checking yung mga boxes, mayroon tayong mga papel na ito ay galing sa iba-ibang supermarket. At makikita natin may mga tag pa, nakalagay ang pangalan ng mga supermarkets,“ sabi pa ni Arriba.

“Yun isa sa aming tasking ay magbacktrack, iche-check ang mga CCTV sa palibot dito para makita namin yun mga truck na nagde-deliver, at mula doon ay amin silang iimbitahan para malaman kung saan ang sources ng mga ibinibagsak dito,” dagdag pa ni Basiya.

Mistulang bahay lamang ang sinalakay na lugar kaya hindi mahahalata na may ilegal na nangyayari doon.

ADVERTISEMENT

“Noong 2024 sila po ay nabigyan bilang isang trading pero yun nga hindi natin kailanman susuportahan ang mga business transactions na illicit at illegal. At alam naman po natin, per consumer act of the Philippines, ay hindi po pinapayagan ang pagbebenta ng mga expired na produkto at defaced na produkto,” dagdag pa ni Arriba.

Hindi pa matukoy ang halaga ng mga nasabat na mga expired na mga produkto dahil patuloy pa ang imbentaryo ng mga awtoridad.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.