Lalaking wanted sa rape nahuli sa bilyaran sa Bulacan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaking wanted sa rape nahuli sa bilyaran sa Bulacan

Jeff Caparas,

ABS-CBN News

Clipboard


MAYNILA — Inaresto ng pulisya ang isang 21 anyos na lalaking wanted sa rape sa Bgy. Borol 1st, Balagtas, Bulacan noong Lunes ng gabi.

Nagroronda ang mga operatiba ng 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) sa lugar nang maabutan ang suspek sa isang bilyaran. 

“Meron tayong mga patroller sa area kasi meron kaming mobile patrol tuwing gabi. Ngayon parang chance upon lang yung nangyari, may tipster na nakapagturo sa kanya na nagbibilyar siya sa lugar,” sabi ni Maj. Christopher Baybayan.

Base sa imbestigasyon, 14-anyos ang babaeng biktima nang halayin umano ng akusado.

ADVERTISEMENT

“Di naman niya tinatanggi, ang sabi niya diumano girlfriend niya yung biktima, di naman daw niya pinilit kusa daw sumama sa kanya,” ani Baybayan.

Mga magulang ng bata ang nagsampa ng reklamo laban sa akusado.

“Ang naging complainant po nito yung magulang ng biktima, nakasuhan siya ng staturory rape,” sabi pa ni Baybayan.

Bukod sa warrant, mino-monitor ng pulisya ang akusado dahil sa kabi-kabilang reklamo laban sa kanya.

Walang piyansang ineromenda ang korte sa kaso ng akusado na nasa kustodiya na ng Bulacan 1st PMFC.


KAUGNAY NA VIDEO: 



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.