Buhawi nagdulot ng power interruption sa 2 lugar sa Negros Occidental | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Buhawi nagdulot ng power interruption sa 2 lugar sa Negros Occidental

Buhawi nagdulot ng power interruption sa 2 lugar sa Negros Occidental

Romeo Subaldo,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Bigla na lang nawalan ng power supply ang bahagi ng Bacolod City at bayan ng Murcia sa Negros Occidental alas dos ng hapon ng Miyerkules, ika-5 ng Marso.

May dumaan kasing buhawi sa Barangay Blumentritt sa Murcia na naging dahilan kung bakit naputol ang mga kable ng kuryente.

Nakunan pa ng video ni Mark June Belsa ang pagliyab ng mga kable habang dinadaanan ng buhawi.  Umurong sila kaagad at hindi muna tumuloy habang na sa daan pa ang buhawi.

Sa video naman ni Andrew Briz kitang-kita rin ang pagliyab ng mga kable at ang mga dala dalang yero ng buhawi.

ADVERTISEMENT

Pansamantala silang tumigil sa daan sa pangamba na baka mahagip ang mga live wire.

Nagbigay alam kaagad ang Negros Power sa mga konsumedor na kailangan muna nilang ayusin ang mga apektado na linya ng kuryente bago maibalik ang power supply.

Inaalam pa ng LGU ng Murcia ang pinsala na naidulot ng buhawi.

Wala namang naiulat na nasugatan sa nangyari.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.