Sunog sumiklab sa Batangas International Port | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sunog sumiklab sa Batangas International Port

Dennis Datu,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 01, 2025 06:47 PM PHT

Clipboard



MAYNILA — Patuloy na inaapula ng mga bumbero ang grass fire na sumiklab sa lupain na sakop ng Batangas International Port sa Batangas City.

Ayon kay Batangas Port manager Joselito Sinocruz, bandang 12:55 ng hapon nagsimula ang sunog.

Mabilis na rumesponde ang fire truck ng Philippine Ports Authority pero naging mabilis ang pagkalat ng apoy lalo’t malakas ang hangin at tuyong-tuyo ang mga damo.

Sumaklolo na rin ang Batangas City Fire Station.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Sinocruz, tinatayang nasa 20 ektarya na ang lawak ng apektado ng sunog. 

Inaagapan nilang maabot ng apoy ang stock yard kung saan may mga nakaimbak na hazardous chemicals. Sinisikap din na hindi madamay ang mga nakaparadang imported brand new cars.

Iiniingatan din na makalapit ang sunog sa residential area.

Hindi pa malinaw kung papaano nagsimula ang sunog.

KAUGNAY NA VIDEO



Read More:

Batangas

|

sunog

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.