Sunog, sumiklab sa dalawang lugar sa Lapu-Lapu City | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sunog, sumiklab sa dalawang lugar sa Lapu-Lapu City
Bayan Mo,
Ipatrol Mo,
ABS-CBN News
Published May 30, 2025 09:02 PM PHT

Dalawang sunog ang halos sabay na sumiklab sa mga kabahayan sa Lapu-Lapu City, Cebu ngayong Biyernes na parehong umabot sa ika-apat na alarma.

Sa ulat ng Lapu-Lapu City Fire District na ibinahagi ni Mark Anthony Bautista, Information Officer ng Lapu-Lapu City Information Office, nagsimula ang sunog sa Sitio Iba, Bgy. Basak, bandang 9:50 a.m. Idineklara itong fire out dakong 11:41 a.m.

Nasa 19 na kabahayan ang tinupok ng apoy at 25 pamilya ang naapektuhan, karamihan ay mga nangungupahan at manggagawa sa Cebu Light Industrial Park.

Makikita ang maitim na usok na nagmula sa mga natupok na mga bahay sa bidyo na kuha ni Bayan Patroller Vinch Ybañez.
Makikita ang maitim na usok na nagmula sa mga natupok na mga bahay sa bidyo na kuha ni Bayan Patroller Vinch Ybañez.
ADVERTISEMENT
Kasunod nito, naiulat din ang sunog sa Sitio Lubi, Bgy. Canjulao bandang 10:06 a.m. Idineklarang under control ang sunog bandang 10:59 a.m. at fire out ng 11:19 a.m., ayon pa din sa ulat ng Lapu-Lapu City Fire District.

Umabot sa 28 kabahayan ang natupok ng apoy habang 27 pamilya ang naapektuhan. Makikita sa bidyo na ibinahagi ni Bayan Patroller Almie Berame, presidente ng Purok Lubi ang mga kababaryo na nagtutulong-tulong para apulahin ang apoy.

Isa naman ang naiulat na nasugatan mula sa sunog sa Canjulao habang wala namang naiulat na nasawi sa parehong insidente.

Ilang residente ang pansamantalang nanunuluyan sa Canjulao Elementary School na nagsisilbing evacuation center.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad para matukoy ang sanhi ng magkahiwalay na insidente ng sunog.