Lalaki biglang tumawid sa gitna ng SLEX, nasabitan ng isang sasakyan
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki biglang tumawid sa gitna ng SLEX, nasabitan ng isang sasakyan
Ronilo Dagos,
ABS-CBN News
Published Jun 27, 2025 10:07 AM PHT

MANILA — Nagulat ang isang motorista nang may biglang tumawid na lalaki habang binabagtas niya ang southbound lane ng South Luzon Expressway (SLEX).

Nakuhanan ng dashcam ng sasakyan ang pangyayari.

Ayon sa video uploader na si Joseph Dela Rosa, dakong ala una ng madaling araw ng Huwebes, nasa may bahagi na siya ng Mayapa, sa Calamba City patungo sa direksyon ng STAR tollway nang biglang bumulaga ang isang lalaking nakasuot ng kulay green na damit at patakbong tumatawid sa expressway.

Bahagya niya itong naiwasan matapos kabigin ang kanyang utility van pakanan pero nahagip ito ng kanyang side mirror, na ikinabasag nito.

Nagpagewang-gewang pa ang sasakyan hanggang sa maitabi niya ito.

Nang balikan ng driver ang lalaki, nakatayo na ito at himala anyang walang natamo kahit kaunting galos.

Napag-alamang hindi trabahador ng SLEX ang lalaki kundi isang mangangalakal na nangunguha ng mga tira-tirang bakal sa mga construction site sa loob ng SLEX.

Nasa kostudiya at kakasuhan na ng mga SLEX patroller ang 30-anyos na lalaki.

Nagpapasalamat naman si Dela Rosa dahil hindi siya nakadisgrasya ng tao.

Panawagan ng mga motorista sa SLEX management na higpitan ang pagbabantay sa kahabaan ng SLEX dahil hindi anya iisang beses na nangyari na tumawid ang isang mangangalakal.

RELATED VIDEO:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT