SAPUL SA CCTV: Baha rumaragasa matapos matibag ang pader ng subdivision sa Antipolo
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
SAPUL SA CCTV: Baha rumaragasa matapos matibag ang pader ng subdivision sa Antipolo
Rumagasa ang tubig sa Sitio Hinapao, Barangay San Jose sa Antipolo City, pasado alas siyete ng gabi nitong Miyerkoles, July 23, matapos matibag ang pader sa likod ng isang subdivision malapit sa lugar.

Sa kuha ng CCTV, makikita ang ilang residente na nakatayo sa gitna nang kalsada nang bigla na lang silang magtakbuhan palayo dahil sa bilis ng pagragasa ng tubig sa kanilang direksyon.

Ayon sa Barangay Disaster Risk Reduction and Management Office (BDRRMO) head Benet Tapales, ang tubig na naging dahilan ng pagkatibag ng pader ay naipon mula sa kabilang subdivision dahil sa tuloy tuloy na buhos ng ulan.

“Napuno talaga 'yung mismong kabilang subdivision dito sa area namin dun sa pader ng private property yun… Pagdating namin sa area ganun na ganun pa rin ang pangyayari,” kwento ni Tapales.

“Nagulat lahat ng tao. Di nila ineexpect na ganun ulit ang mangyayari sa kanila. Akala nila ganun na katibay 'yung private property na 'yun… Bumigay siya… Bumagsak ng kaunti… Nagkaroon ng lamat… Bumigay siya sa pinakailalim,” dagdag pa ni Tapales.

Ayon sa Homeowners Association (HOA) president ng Sitio Hinapao, madalas mangyari ang ganung insidente lalo na kung maulan.

Ganito rin umano ang nangyari noong mga nakaraang bagyo na malakas.

“Lumakas po talaga yung volume nung tubig as of 7:55 PM… Nag panic [yung mga residente] kasi pinasok pa po ng tubig yung mga bahay bahay nila tapos yung mga gamit po nila tinangay na po ng agos ng tubig,” ayon kay Emily Caning, ang presidente ng HOA.

Kwento ng residenteng si Jeannette Gumban, nagulat na lang sila nang pasukin ng rumaragasang tubig ang bahagi ng kanilang lote.

“Nung una dito palang sa may gilid namin yung tubig tapos… Sa likod medyo may kalakasan na ng kaunti pero di pa kami inabot dito konti pa lang. Tapos maya maya… May biglang umano sa likod ko na rumaragasang tubig ang lakas ng tunog… Tumunog kasi dun nung may bumagsak tapos napansin ko na lang 'yung tubig ang lakas 'yung current,” sabi ni Gumban.

Hindi naman pinasok ng tubig ang buong bahay niya.

Wala ring naitalang nasaktan sa insidente, ayon sa BDRRMO.

Nakahanda rin ang evacuation center na pwedeng puntahan ng mga residenteng nais lumikas, pero ayon sa BDRRMO at HOA president, wala pang lumikas sa kani-kanilang bahay.

Ayon pa kay Tapales, nakikipag-ugnayan na rin ang lokal na pamahalaan ng Antipolo City sa Barangay San Jose at Home Owners Association para masolusyunan ang problema.

“Together with the city government of Antipolo, pinasa namin yung concern nila last year and up to this point ginawa naman ng government na inassist sila lahat… Dala ng kalikasan talagang naglalambot ang lupa at ilang araw, ilang linggo na din namang nag uulan… Kakausapin namin… Lalagyan namin kakausapin namin ulit para ayusin ang dapat ayusin,” aniya.

Patuloy ang clearing operation at assessment ng BDRRMO sa lugar para matukoy kung ilang bahay at mga residente ang naapektuhan.

Paalala ni Tapales sa mga residente ng Barangay San Jose, “Lagi nating tatandaan na ang kalikasan iba gumanti. Hayaan po nating tulungan kayo ng gobyernong ito sa abot ng aming makakaya at ganun din sana kayo aming mga kabarangay, tulungan niyo din po kami. Ayaw namin magkaroon ng casualty talagang kailangan natin mag tulong-tulong. Ang bawat isa po ay mag tulong-tulong.”