4 construction worker natabunan ng gumuhong lupa at pader sa Cavite

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

4 construction worker natabunan ng gumuhong lupa at pader sa Cavite

Lyza Aquino,

ABS-CBN News

Clipboard


MAYNILA — Isa ang patay, 1 ang sugatan, at 2 ang pinaghahanap pa matapos gumuho ang lupa at tabunan nito ang barracks ng mga construction worker sa Bgy. Iruhin West, Tagaytay City noong Huwebes ng umaga.

Ayon kay Tagaytay City Mayor Brent Tolentino, nangyari ang insidente sa boundary ng Tagaytay at Silang, Cavite. 



"So the incident happened sa boundary ng Silang at Tagaytay. 'Yung gumuho po is from Silang side at 'yung naguhuan po is Tagaytay side. Ang kinagalingan po ng guho ay Barangay Cabangaan, Silang," sabi ni Tolentino

"Tapos kami po 'yung unang rumesponde. Tagaytay LGU po at saka Tagaytay Disaster Risk Office 'yung unang rumesponde po kasi doon po sa barangay na 'yun ng Silang hindi po kayo makakapunta doon nang hindi kayo dumadaan ng Tagaytay," dagdag niya.

ADVERTISEMENT

Batay sa paunang impormasyon mula sa Tagaytay City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), pasado alas-10 ng umaga nangyari ang insidente. Isang construction worker ang na-rescue ng mga awtoridad at agad dinala sa ospital.

Ang isang nasawi ay natagpuan sa pamamagitan ng mga K9 unit ng Philippine Coast Guard, habang dalawa pa sa mga construction worker ang pinaghahanap.

Hindi muna nila ibinigay ang pagkakakilanlan at iba pang impormasyon ng mga biktima.

Kwento ni Edgar Soria, isa sa mga construction worker na nakatira sa barracks, tiyempong nakaalis siya ng barracks kasama ang 2 anak para magluto ng pagkain nang biglang gumuho ang lupa.

Tumangging magbigay ng pahayag ang mga kaanak ng nawawalang construction workers.

Nasa stable na kondisyon na ang nasugatan sa insidente at nagpapagaling sa ospital.

Hatinggabi nang itinigil muna ng mga awtoridad ang search operation dahil na rin sa sama ng panahon at ipagpapatuloy nila ito muli ng alas-7 ng umaga Biyernes.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.