Ilog sa Famy, Laguna umapaw; rescue isinagawa

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilog sa Famy, Laguna umapaw; rescue isinagawa

ABS-CBN News,

Angelica Daniel,

BMPM

Clipboard

Ilog sa Famy, Laguna umapaw; rescue isinagawa
iWant

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Sa bidyo na ibinahagi ng Famy Municipal Police Station, makikita si Patrolman Omar Jul Asiri na buhat-buhat ang isang bata habang inililikas mula sa rumaragasang tubig ng Ilog Romlex sa Famy, Laguna pasado alas-7 ng umaga nitong Huwebes, Hulyo 24, 2025.

Ayon kay P/Cpl. Erish Dominic De Guzman ng Philippine National Police (PNP) Famy, simula alas-7 ng umaga ay umabot hanggang tuhod ang baha sa ilang kabahayan sa Barangay Batuhan dahil sa pag-apaw ng Ilog Romlex.

Dahil dito, nagsagawa sila ng preventive rescue operations sa nasabing barangay para maiwasan ang panganib sa mga residente. Dalawang pamilya na may 8 indibidwal, kabilang ang isang 7-anyos na bata, ang nailikas.

Kwento ni De Guzman, naglagay sila ng rescue rope, pinasuot ng life vest ang mga residente, at tinulungan silang tumawid sa ilog.

ADVERTISEMENT

Dinala ang mga nasagip na residente sa evacuation center sa IMall Famy Laguna sa Barangay Tunhac, na siyang pangunahing evacuation center sa munisipyo.

Nagpunta rin ang mga awtoridad sa Barangay Balitoc upang magbigay ng babala dahil tumataas ang tubig ng ilog, ngunit wala namang na-rescue at nagpa-rescue doon.

Ang sanhi ng pagbaha at pag-apaw ng ilog ay ang tuluy-tuloy na pag-ulan sa lugar, ani De Guzman.

Dagdag pa niya, nilalagyan na ng river wall o sementadong pader ang gilid ng ilog upang hindi ito madaling umapaw. Wala namang naiulat na nasugatan o namatay dahil sa pagbaha.

Kasama sa operasyon si Famy Mayor Lorenzo Rellosa, ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Bureau of Fire Protection, at PNP.

Nakataas naman ang Orange Rainfall Warning sa Laguna at iba pang parte ng Luzon dahil sa pag-ulang dala ng habagat at ng Typhoon Emong, ayon sa Heavy Rainfall Warning No. 56 na inilabas ng PAGASA 2:00pm ng July 24, 2025.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.