National highway sa Bauang, La Union, binaha dahil sa Bagyong Emong
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
National highway sa Bauang, La Union, binaha dahil sa Bagyong Emong
Bayan Mo,
Ipatrol Mo,
Aila Iglesia,
BMPM Intern
Published Jul 25, 2025 08:22 PM PHT

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Binaha ang national highway sa Bgy. Disso-or, Bauang, La Union, bandang alas-5 ng umaga, Biyernes, July 25, 2025.

Ayon kay Bayan Patroller Raine Avegail Silva, ginising sila ng malakas na hangin at ulang dala ng bagyong Emong bandang ala-1 ng madaling-araw.

Ayon naman kay Local Disaster Risk Reduction and Management Officer Jermae Estolas, nagsimula ang pananalasa ng bagyo bandang alas-2:30 ng madaling araw hanggang bandang alas-10 ng umaga. Aniya, umabot ng halos isang talampakan ang baha sa national highway sa Bgy. Disso-or.

Bandang alas-10 ng umaga nagsimulang humupa ang baha at madadaanan na ito ng lahat ng uri ng sasakyan bandang alas-1 ng hapon, ani Estolas.

Dagdag ni Estolas, nagmimistulang catch basin ang bayan ng Bauang tuwing malakas ang pag-ulan dahil mayroon itong mabababang lugar kabilang na ang mga barangay na malapit sa dagat, ani Estolas.