Mudflow nararanasan sa barangay sa Itogon, Benguet; 50 pamilya inilikas
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mudflow nararanasan sa barangay sa Itogon, Benguet; 50 pamilya inilikas
Harris Julio
Published Jul 04, 2025 12:28 PM PHT

ITOGON, Benguet — Nararanasan ngayon ang mudflow sa isang barangay sa Itogon, Benguet bunsod ng walang tigil na pag-ulan.

Sa video na ibinahagi ni Board Member Sander Fianza, makapal na putik na may kasamang mga bato ang bumababa sa mga kabahayan sa Sitio Acupan, Barangay Virac.

“Pinanggagalingan ng mga gumuguho doon sa taas ng bundok, kasi parang loose na siya… Kapag umuulan, gumuguho pababa… Mudflow, pero ang problema natin, ‘yung bundok may mga bato-bato,” sabi ni Fianza.

Inilikas na noong Huwebes ng mga opisyal ng barangay ang nasa 50 pamilyang nakatira sa lugar. Pero may ilang residente ang piniling maiwan umano para maglagay ng sandbag.

“Yung iba kasi gusto nilang maprotektahan ang bahay nila, with safety din sila kasi minors din sila, nagsasandbag na lang sila dito sa gilid para hindi tatamaan ‘yung mga bahay nila," sabi ni Fianza.

Nangangamba ang mga residente na madamay ang paaralan at mga bahay sa baba.

"Kapag aapaw ‘yung mudflow, mae-erase ‘yung mga bahay saka eskwelahan," sabi ni Fianza.

Kwento pa ni Fianza, nagsimula ang ganitong sitwasyon sa pananalasa ng mga bagyo noong nakaraang taon.

Ayon kay Board Member Sander Fianza, nagsimula ang problema sa mudflow pagkatapos manalasa ang ilang bagyo noong 2024. Photo courtesy: Benguet Board Member Sander Fianza

Unti-unting natabunan ng lupa’t bato ang ilog na halos abutin na ang hanging bridge.
Unti-unting natabunan ng lupa’t bato ang ilog na halos abutin na ang hanging bridge.
ADVERTISEMENT
“Kung tignan mo ‘yung tulay, dating mataas ‘yan, ngayon wala na… Nung unang nangyari ‘yan, may plano si Mayor na gagawa sila ng daan galing dun sa taas ng bundok pababa, pero malaking gastusin kaya hindi ko na alam kung ano ang usapan nila sa mga concerned agencies, kasi ngayon na umuulan ulit ‘yan na dumating uli’t ang problema,” ani Fianza.

Nananawagan sila ngayon ng tulong mula sa national government.

“Ang problema kasi natin doon, walang madadaanan ang backhoe papunta dun sa taas… ibaba ‘yung siltation. Ang problema kasi doon, kakaunti ‘yung tubig na mag-push ng mudflow… Kaya ang kailangan heavy equipment,” dagdag ni Fianza.

Ayon pa kay Fianza, abandonadong minahan ang lugar na tinitirhan pa rin ng mga small-scale miner.