Ilang bayan binaha sa paglapit ng bagyong Crising
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang bayan binaha sa paglapit ng bagyong Crising
Ranulfo Docdocan,
Rolen Escaniel,
Jonathan Magistrado
Published Jul 17, 2025 10:29 AM PHT
|
Updated Jul 17, 2025 01:58 PM PHT

MAYNILA — Binaha ang ilang bayan ngayong Huwebes dahil ulan na dala ng habagat na pinalakas ng bagyong Crising.

BICOL
Sa sentro ng Aroroy, Masbate, binaha ang ilang kalsada at bahagyang nalubog ang ilang nakaparadang motorsiklo, kaya nagmadali ang ilan na itaas ang kanilang sasakyan.

Ayon kay Aroroy disaster office head Ronnie Atacador, sumabay sa ragasa ng tubig ng creek ang high tide kaya umapaw at nagpabaha sa Brgy. Poblacion.

“Nagsalubong ‘yong tubig talaga dala ng high tide kaya ‘yong kanal namin dito hindi masyadong maka-hold ng tubig kasi parang bumabalik ‘yong tubig,” saad nito.

Nalubog din ang ilang mabababang lugar dahil sa pag-apaw ng ilog, kaya umabot sa siyam na barangay ang binaha. May limang indibidwal ang lumikas muna sa Aroroy East Central School.

Bagama’t humuhupa na ang baha sa ilang lugar dahil mahina na lang ang ulan, inaasahan ng Aroroy disaster office na posibleng madagdagan ang evacuees hangga’t pinaiigting ng Crising ang epekto ng habagat.

Ilang araw na rin inuulan ng habagat ang kanlurang bahagi ng Camarines Sur, kaya sa bayan ng Balatan, pahirapan pa rin ang biyahe dahil rumagasa muli ang kulay putik na tubig sa spillway sa Brgy. Luluwasan.

Isang lalaki ang nagpilit na makatawid sa malakas na agos kahit ipinagbabawal ng Balatan-Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Ipinaubaya na ng Camarines Sur provincial government sa mga local government at paaralan ang deklarasyon ng localized class suspension.

Sa Naga City naman, tuloy-tuloy ang mga taga-DPWH sa pagtanggal sa nakabarang basura at putik sa mga drainage para hindi bumaha, lalo’t may pasok ang mga estudyante kahit maghapong makulimlim at umuulan.

VISAYAS
Sa Calbayog City, Samar, lubog na sa baha ang bakuran ng mga bahay sa Brgy. Migara.

Inanod ng baha ang ilang debris at mga gamit.

May bahagi ng barangay na aabot na sa 4 feet ang taas ng baha.

Kwento ni Elisa Capeding, pasado ala-1 ng madaling araw nag-umpisa ang buhos ng malakas na ulan.
Kwento ni Elisa Capeding, pasado ala-1 ng madaling araw nag-umpisa ang buhos ng malakas na ulan.
ADVERTISEMENT
Pinapangambahan pa na tumaas pa ang baha kung patuloy na maranasan ang pag-ulan kaya inilagay na ng mga residente sa ikalawang palapag ng kanilang bahay ang kanilang mahahalagang gamit.

Samantala, binaha rin ang ilang lugar sa lalawigan ng Antique.

Sa mga video na kuha Krez Romay Mariano, lagpas tuhod na ang tubig baha sa kalsada ng Brgy. Bitadton, Culasi.

Kuha ni Krez Romay Mariano

Kuha ni Krez Romay Mariano

Itinulak na lang ng ilang motorista ang kanilang motorsiklo dahil sa malalim na tubig baha habang stranded naman ang limang pasahero ng isang van matapos tumirik ang kanilang sasakyan dahil sa baha.

Sa Balactasan Elementary School sa Brgy. Balactasan, Madalag, Aklan, inilikas na ng ilang mga guro ang kanilang mga gamit sa loob ng kanilang silid-aralan matapos pasukin ng tubig baha.

Suspendido narin ang pasok sa nasabing paaralan.

Sa Ibajay, Aklan, rumagasa ang tubig baha sa ilog sa lugar dahil sa walang tigil na pag-ulan.

Pinasok na ng halos abot-baywang na tubig baha ang mga bahay sa Brgy. San Jose matapos ang magdamag na pag-ulan.

Read More:
bagyo
Crising
ABSNews
ANC promo
weather
weather updates
weather news
weather latest
weather today
weather Philippines
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT