Sasakyan inanod ng baha, nahulog sa creek sa Caloocan; mga sakay pinaghahanap pa
ADVERTISEMENT
Sasakyan inanod ng baha, nahulog sa creek sa Caloocan; mga sakay pinaghahanap pa
Bayan Mo,
Ipatrol Mo,
Arabelle Chong,
BMPM Intern
Published Jul 22, 2025 04:31 PM PHT

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.
Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.
Patuloy ang paghahanap para sa dalawang sakay ng sasakyang inanod ng baha at nahulog sa creek sa Dona Aurora, Bgy. Camarin, ayon sa Caloocan City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), Martes.
Ayon kay Julius Baylon ng Caloocan City DRRMO, pasado alas-9 Lunes ng gabi nang matangap ng kanilang opisina ang ulat tungkol sa insidente. Batay umano sa salaysay ng mga nakasaksi ay pinilit tawirin ng sasakyan ang isang tulay sa kabila ng malakas na agos ng tubig.
Aniya, bandang alas-10 ng gabi nang marekober nila ang sasakyan mula sa creek, pero wala nang tao sa loob kahit na ayon sa mga nakakita ay may dalawang sakay ito.
Sa video na kuha ni Bayan Patroller Ash Castillo Lucero, makikita ang sira-sirang sasakyan na may basag na salamin matapos itong maiahon mula sa tubig.
ADVERTISEMENT
Kwento niya, nangyari ito sa loob mismo ng kanilang subdivision kaya agad siyang nagtungo sa lugar upang tingnan at makuhanan ng bidyo ang sitwasyon.
Sa isa pang video nitong Martes ng umaga, makikita ang wasak na sasakyan na nasa gilid ng creek habang patuloy pa ang rescue operations ng CDRRMO sa mga pinaniniwalaang sakay nito.
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT


