Batang nalunod habang lumalangoy sa ilog sa Navotas, natagpuang patay

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Batang nalunod habang lumalangoy sa ilog sa Navotas, natagpuang patay

Zyann Ambrosio,

ABS-CBN News

Clipboard

Batang nalunod habang lumalangoy sa ilog sa Navotas, natagpuang patay
iWant

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Rumisponde ang Navotas DRRMO, BFP, barangay at ilang rescue team sa tawag sa kanila na may batang biglang nawala habang lumalangoy lang sa ilog sa Navotas, Miyerkoles, Hulyo 23, 2025.

Ayon sa Navotas Disaster Risk Reduction Management Office (DRRMO) Officer na si Rolando Pelea, anim silang magkakaibigan na lumangoy dakong 11 ng umaga kanina sa ilog at nagkakasiyahan pa nang mapalayo ang isang bata. 

“Anim na bata lumalangoy, tapos yung isa lumayo nang lumayo. Akala nila okay lang, nung nakita sa malayo buhay pa noon, pero nung lumubog 'di na lumutang,” sabi ni Navotas DRRMO Officer Rolando Pelea. 

Nagtulong-tulong ang Navotas DRRMO at Coast Guard sa paghahanap pero pasado alas-dos ng hapon, natagpuang patay na ang bata. 

ADVERTISEMENT

“Low tide na akala safe na pero yung current ng tubig malakas,” dagdag ni Pelea. 

Dumating din ang mga magulang ng biktima at nagulat sa sinapit ng anak. Sabi ng kaibigan ng biktima, hindi raw alam ng nanay ng biktima na biglang inaya ng mga kaibigan ang kanyang anak. 

“Hindi alam ng nanay, iniwanan pa siya ng pagkain kasi may maliit pang batang inaalagaan,” sabi ng kaibigan ng pamilya ng biktima.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.