5 beses na nagbigay aral sina 'Sid at Aya' tungkol sa pag-ibig

September 06, 2018 AT 01:09 AM

Magsasama muli sina Anne Curtis at Dingdong Dantes ngayong weekend sa pagpapalabas ng KBO sa unang pagkakataon ng 2018 blockbuster movie nilang “Sid & Aya: Not A Love Story,” na hindi lang nakapagbigay kilig kundi nag-iwan din ng ilang aral tungkol sap ag-ibig.
 
Narito ang limang pagkakataong nakapaghatid ang pelikula ng katotohanan na may kirot at kilig tungkol sa pag-ibig.
 
1.    Nang piliin ni Sid ang magmahal
 
Kahit takot magmahal, binigyan niya ng pagkakataon ang sariling mahulog kay Aya. Dito makikita natin na sa pag-ibig, walang kasiguraduhan. Kahit ibigay mo pa ang lahat, may malaking tsansang matalo ka rin sa huli.
 
2.    Nang sumubok muli sina Sid at Aya sa pangatlong pagkakataon at nagkatuluyan na sila.
 
Ilang beses sinubok ang pagmamahal nina Sid at Aya. Hindi man nagtagumpay sa una at pangalawang pagkakataon, nakuha naman nila ito sa pangatlong pagsubok. Gaya ng sinasabi ng ilang tao, ang lahat ay may perfect timing kasama na ang pag-ibig.
 
3.    Nang mapagtanto ni Sid na hindi siya masaya kahit pa may maganda siyang karera
 
Isang matagumpay na stockbroker si Sid na hindi inindang makatapak ng ibang tao makamit lang ang tagumpay. Ngunit nang makilala niya si Aya, nakahanap siya ng isang karamay at nagpaintindi sa kanya ng mga kulang sa kanyang buhay.
 
4.    Nang ipinakita ni Aya na isa siyang “black swan” sa buhay kay sid
 
Dumating si Aya sa buhay ni Sid na tila isang ‘black swan,’ o isang hindi inaasahang pangyayari na magbabago ng lahat. Ang pagdating ni Aya sa buhay ni Sid ang siyang nagsilbing turning point ng kanyang buhay--- at pag-ibig.
 
5.    Nang malaman ni Sid na may mga tao katulad niyang kuntento pumasok sa isang relasyon para sa seguridad at kaginhawaan.
 
Madaling sabihing kuntento na si Sid sa kanyang buhay: may maganda siyang tirahan, maayos na karera, at isang open relationship kay Dani (Bubbles Paraiso) ngunit walang halong pagmamahal. Itong mga pangyayari sa kanyang buhay ay nagdulot sa kanya ng depresyon at nagtulak sa kanyang maghanap ng isang karamay kahit pa bayaran niya ito. Sumakto lamang na si Aya ang kanyang nakilala at napiling makasama.
 
Huwag palalampasin ang “Sid & Aya: Not A Love Story” ngayong Sabado (Sept.8) at Linggo (Sept.9) kasama ang “Loving In Tandem,” “Beauty and the Bestie,” “Buy Now, Die Later,” at “El Brujo.”
 
Mag-register gamit ang prepaid o postpaid SIM. Sa prepaid, mag-load lang (Globe, TM, Smart, Sun, TNT) ng P30; pindutin ang green / INFO button sa inyong TVplus box remote para makuha ang inyong box ID; i-text ang KBO30 SEPT8<TVplus box ID> sa 2366.
 
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com