4 NA HUGOT MOVIES SA CINEMA ONE NGAYONG PEBRERO

January 31, 2019 AT 05:22 PM

4 stories of love and heartbreak on Cinema One this February

Embark on a rollercoaster ride of emotions this love month as Cinema One airs four different stories of passion and heartbreak in “Romance Central,” airing on Sundays this February.

Makisama sa pakikipagsapalaran ng mga damdamin ngayong buwan ng pag-ibig kasama ang apat na kwento ng pagmamahal at kabiguan sa “Romance Central” ng Cinema One na mapapanood tuwing Linggo ngayong Pebrero.
 
Heto na ang iba’t ibang kwento ng pag-asa at pagbangon na dapat abangan:
 
  1. PAGSABAY SA TRIP SA “SIARGAO”
Sabayan ang mga alon kasama ang vlogger na si Laura (Erich Gonzales) na tutungo sa isla ng Siargao at makikilala si Diego (Jericho Rosales), na siya namang uuwi sa probinsya upang makalimot sa problema. Magkasama ang dalawang lilibot sa isla habang susubok harapin ang kani-kaniyang pagsubok—ang pagtuklas ni Laura sa kaniyang sarili, at ang pagharap ni Diego sa kanyang dating kasintahan na si Abi (Jasmine Curtis Smith). Isang bagong pag-ibig kaya ang magbunga? O ang pagmamahal ng dati ay muling babalikan?
 
  1. PAKIKIPAGSALARAN SA HINDI INAASAHANG PAGKAKATAON SA “LOVE ME TOMORROW”
Sundan ang disc jock na si JC (Piolo Pascual) sa kanyang pagsuyo kay Christy (Dawn Zulueta), isang kaaya-aya ngunit mas nakakatanda na babae. Sa dami ng hahadlang sa dalawa—kasama na ang mapusok na si Janine (Coleen Garcia)—mahihirapan silang magsama. Mapupunan kaya ng pagmamahal ang puwang ng edad, estado, at ibang aspeto sa kanilang buhay?
 
  1. PAGPILI SA MUNA SA SARILI BAGO MAGPAPASOK NG BAGONG PAG-IBIG SA “THE ACHY BREAKY HEARTS”
Buong buhay nang naghihintay si Chinggay (Jodi Sta. Maria) para sa kanyang tunay na pag-ibig—at ang patuloy rin na pressure magpakasal ay hindi nakakatulong. Magbabago ang lahat nang makilala niya ang maginoong si Ryan (Ian Veneracion). Gugulo naman ang kanyang isip nang biglang bumalik ang dating kasintahang si Frank (Richard Yap) na gustong bumawi at makuha siyang muli. Sino kaya ang pipiliin ni Chinggay? Mahahanap na kaya niya ang sarili?
 
  1. PAGLABAN PARA SA NARARAMDANAN SA “STARTING OVER AGAIN”
Apat na taon mula nang sila ay maghiwalay, muling magsasama si Ginny (Toni Gonzaga) at ang dating kasintahan at ngayon ay chef na si Marco (Piolo) para sa isang proyekto. Maniniwala si Ginny na tadhana ang nasabing pagkakataon upang muli silang magkaayos, ngunit sa kasamaang-palad, matutuklasan niya na ikakasal na sa iba si Marco. Sa kabila nito, ipagpapatuloy pa rin ni Ginny ang proyekto sa pag-asang magkakabalikan sila. Matupad kaya ito? O talagang apat na taon nang huli ang lahat?
 
Damhin ang iba’t ibang emosyon sa “Siargao” (Peb. 3), “Love Me Tomorrow” (Peb. 10), “The Achy Breaky Hearts” (Peb. 17), at “Starting Over Again” (Peb. 24) sa “Romance Central” ng Cinema One tuwing Linggo, 5 PM. Mapapanood ang Cinema One sa SKYcable Channel 56, SKYdirect Channel 19, Destiny Cable Analog 37 at Digital 56. Para sa iba pang updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.