7 Kapamilya stars na dapat abangan sa Jeepney TV ngayong Marso

March 06, 2019 AT 02:32 PM

7 Kapamilya stars to catch on Jeepney TV this March

Tampok ngayong Marso ang mga Kapamilya stars na magpapaligaya sa mga manonood ng Jeepney TV

Hindi pa man opisyal na tag-init ngunit puno na ng excitement ang Jeepney TV sa pagpasok ng mga matagumpay na programang mula sa ABS-CBN tulad ng “I Can See Your Voice,” “Magpahanggang Wakas,” “Be My Lady,” at iba pa simula ngayong Marso.
 
Abangan ang pitong Kapamilya stars na ito na magbabalik ng mga tumatak na eksena ng pag-ibig at katatawanan sa telebisyon:
 
  • Jericho Rosales at Arci Munoz
Tampok sina Echo at Arci sa matagumpay na drama series na “Magpahanggang Wakas” bilang sina Waldo at Aryann na susubukin ang pag-ibig sa isa’t isa nang mapatay ni Waldo ang lalaking sumubok na pagsamantalahan ang kanyang nobya.
 
  • Erich Gonzales at Daniel Matsunaga
Sa teleseryeng “Be My Lady,” isang nars na walang oras sa pag-ibig si Pinang (Erich) na makikilala si Phil (Daniel), ang lalaking nagdala ng matinding kamalasan sa ina ni Pinang ilang taon na ang nakalipas. Sa kasalukuyan, nais ni Phil na matutunan kung paano ba ang buhay ng isang Pinoy at kasabay nito ang unti-unting pagkahulog ng kanyang loob sa isang Pinay sa katauhan ni Pinang.

 
  • Luis Manzano
Nagbabalik si Luis Manzano bilang host ng isang mystery music game show sa “I Can See Your Voice.” Sasamahan siya rito ng mga SING-vestigators na manghuhula kung ang mga tampok na contestants ay may kakayanang umawit (SEE-ngers) o nagpapanggap lamang (SEE-ntonado) sa isang masayang programang puno ng kasiyahan at katatawanan.

 
  • Angel Locsin at Piolo Pascual
Handog nina Piolo at Angel ang Sabado na puno ng magagandang kwento sa pagpapalabas ng kani-kanilang hindi malilimutang proyekto sa Pasado Pelikula sa buong buwan ng Marso. Abangan ang “Every Breath U Take” at “In The Name of Love” sa Marso 9, “Paano Kita Iibigin” at “Love Me Again” sa Marso 16, “Starting Over Again” at “Four Sisters and a Wedding” sa Marso 23, at “The Breakup Playlist” at “Unofficially Yours” sa Marso 30.
 
Panoorin ang inyong mga paboritong Kapamilya stars sa “I Can See Your Voice” tuwing Sabado at Linggo, 7:15 pm; sa “Magpahanggang Wakas, Lunes hanggang Biyernes, 2 pm simula Marso 11; sa “Be My Lady,” Lunes hanggang Biyernes, 7 pm simula Marso 25; at sa Pasado Pelikula tuwing Sabado, 1pm at 3pm.
 
Mapapanood angJeepney TV sa ABS-CBN TVplus channel 11, SKYcable channel 9, Destiny Cable Analog 41 at Digital 9.Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin angwww.abs-cbn.com/newsroom.