Mga dati nang 'Himig' interpreters na sina KZ, Sam, at Juris, nagkwento kung bakit bumalik para sa 11th edition ng kompetisyon

February 03, 2021 AT 10:43 AM

'Himig's' returning favorites KZ, Sam, and Juris share reasons for joining the competition's 11th edition

Now on its 11th edition, find out the reasons why previous interpreters like KZ Tandigan, Sam Mangubat, and Juris decided to return to the contest.

Marami nang OPM singers ang tumatak sa Himig songwriting competition dahil sa timeless hits na inawit nila at dahil din sa kanilang galing na nagpahanga sa mga Pilipino.
 
Ngayong nasa 11th edition na ang Himig, ano nga kaya ang mas malalim na rason bakit bumalik ang mga dati nang nagmarkang interpreters tulad nina KZ Tandigan, Sam Mangubat, at Juris sa kompetisyon?
 
Bilang interpreter ng isa sa mga pinaka-iconic na Himig songs ng nakaraang mga taon na "Mahal Ko O Mahal Ako," sobrang masaya, honored, at nagpapasalamat daw si KZ na maging parte ng Himig 11th edition na itinuloy pa rin sa kabila ng pandemya.
 

Pero dagdag ng Asia's Soul Supreme—na inawit ang “Marupok” ni Danielle Balagtas—mas importante sa ngayon ang pagpapakita ng suporta sa mga composers. “This is more of a competition for the songwriters. ‘Yung main purpose natin ay hindi to compete with one another but to make the song shine sa ating interpretation, sa ating performance. Kasi iba-iba ng story ‘yung mga kanta, iba-iba ng areglo, ng approach.”
 
Ang dating "Tawag Ng Tanghalan" finalist na si Sam Mangubat na aminadong nerbyoso, gusto na raw lumayo sa mga kumpetisyon kaya noong una ay nagdalawang-isip na maging interpreter ng "Kulang Ang Mundo" ni Daryl Cielo.
 

Pero nagbago raw ang isip niya nang marinig ang demo ng kanta. Ani Sam, "Initially na-in love na 'ko, intro pa lang, first verse pa lang, sabi ko ay 'This is something that I actually wanna sing.’ Puno ito ng pag-ibig at bibigyan ka talaga ng inspirasyon.”
 
Si Juris naman, hindi napigilang sabihin ang, "Sigurado kayo? Kasi I think this is my fourth time na mag-interpret so sabi ko, baka magsawa kayo sa akin," nang tanungin ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo kung pwede siyang maging interpreter ng “Ika’y Babalik Pa Ba” ni Jabez Orara.
 

Pero dahil nagustuhan niya ang kanta tungkol sa pag-iisip kung babalik pa ba ang dating minamahal, pumayag din ang Queen of Acoustic Pop ng bansa. "Exciting pa rin na makasama sa isang proyekto na nagtataguyod ng OPM especially right now na nasa gitna tayo ng pandemya," aniya.
 
Pakinggan ang “Marupok” ni KZ, “Ika’y Babalik Pa Ba” ni Juris, at “Kulang Ang Mundo” ni Sam sa iba't ibang digital streaming platforms at panoorin ang mga music video nito sa ABS-CBN Star Music YouTube channel. Para sa iba pang detalye, sundan ang https://www.facebook.com/Himig2020 sa Facebook.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE