News Releases

English | Tagalog

Isang 'senti' weekend dala ng "Bakwit Boys" at "The Write Moment" sa KBO

October 19, 2018 AT 11:30 AM

Mga kwentong puno ng damdamin ang hatid ng KBO ngayong Sabado (Oct.20) at Linggo (Oct. 21) sa back-to-back TV premiere ng “Bakwit Boys” at “The Write Moment.”
 
Hango mula sa isang Pinatubo tragedy, ang “Bakwit Boys” ay isang kwento ng pag-asa ng apat na magkakapatid. Napilitang umalis sa kanilang tinitiran nang masalanta ng bagyo, nahihirapan ring ibalik ang musikang minsan nilang minahal.
 
Isa sa mga entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino, ang “Bakwit Boys” ay pinagbibidahan ng isa sa “TNT” boys na si Mackie Empuerto at “Hashtag” members Ryle Santiago at Nikko Natividad.
 
Isang madamdaming pagtatagpo naman ang tampok sa “The Write Moment,” na pinagbidahan nina Jerald Napoles at Valeen Montenegro. Tungkol ito sa isang manunulat na sawi sa pag-ibig. Susubukan niya muling paibigin ang kanyang dating nobya sa pamamagitan ng kanyang comedy script ngunit mabibigo at matatagpuan ang sariling isinasabuhay na lamang ang kanyang mga naisulat.
 
Mga liham naman tungkol sa pag-ibig,kababalaghan, at confessions ang matutunghayan sa “Finally Found Someone”, “The Healing” at “Sin Island.”
 
Mag-register gamit ang prepaid o postpaid SIM. Sa prepaid, mag-load lang (Globe, TM, Smart, Sun, TNT) ng P30; pindutin ang green / INFO button sa inyong TVplus box remote para makuha ang inyong box ID; i-text ang KBO30 OCT20<TVplus box ID> sa 2366.
 
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin angwww.abscbnpr.com