News Releases

English | Tagalog

Zanjoe at Empoy magbibigay kasiyahan sa KBO ngayong linggo

October 05, 2018 AT 11:47 AM


Maghahari ang saya ngayong weekend sa KBO sa TV premiere ng 2018 comedy film nina Zanjoe Marudo at Empoy Marquez na “Kusina Kings.”
 
Nang maipalabas ang pelikula sa simula ng taon, ginusto ng direktor nito na si Victor Villanueva, na maramdaman ng viewers ang saya at komedya noong panahon ng “Palibhasa Lalaki” at ni Rene Requiestas.
 
Higit sa tuwa at galak, isa rin itong kwento ng pagkakaibigan.
 
Iikot ang storya sa matalik na magkaibigan sina Ronnie (Zanjoe) at Benjie (Empoy) na sasali sa isang reality cooking challenge sa pag-asang maisalba ang kanilang naluluging restrautant.
 
Makikigulo rin sa pelikula sina Ryan Bang, Jayson Gainza, Jun Sabayton, Nathalie Hart, at Maxine Medina.
 
Muli rin mapapanood ng KBO viewers ang mga pelikula ng dalawa sa mga pinakasikat na loveteams ng bansa na JaDine at KathNiel.
 
Panoorin sina James Reid at Nadine Lustre  sa “Never Not Love You” James Reid at Nadine Lustre kung saan gaganap sila bilang magkasintahang sina Joanna (Nadine) at Gio (James) na bumubuo ng isang buhay magkasama hanggang sa napadpad sila sa London dahil sa kanilang mga pangarap.
 
Sa kanilang pamamalagi sa ibang bansa, dito masusubok ang katatagan ng kanilang pag-iibigan.
 
Saksihan ang blockbuster movie nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na “Crazy Beautiful You.” Panoorin kung paano babaguhin ni Kiko (Daniel) ang buhay ng spoiled brat na si Jackie (Kathryn).
 
Tutukan din ang TV premiere ng pelikula ng “Exes Baggage” star na si Carlo Aquino na “Throwback Today” bilang si Primo, isang frustrated na production designer na makakausap ang kanyang 20 anyos na sarili sa pamamagitan ng isang computer.
 
Samahan naman ang paghahanap ni Vhong Navarro ng solusyon para mapaibig si Angelica Panganiban  sa “Bulong.”
 
Mag-register gamit ang prepaid o postpaid SIM. Sa prepaid, mag-load lang (Globe, TM, Smart, Sun, TNT) ng P30; pindutin ang green / INFO button sa inyong TVplus box remote para makuha ang inyong box ID; i-text ang KBO30 OCT6<TVplus box ID> sa 2366.
 
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin angwww.abscbnpr.com