News Releases

English | Tagalog

Elaine and Ranillo, tuloy ang laban sa grand finals ng “Tawag ng Tanghalan"

October 06, 2018 AT 04:15 PM

Elaine and Ranillo to compete in “Tawag ng Tanghalan" grand finals

Elaine Duran and Ranillo Enriquez are moving on to the grand finals of “Tawag ng Tanghalan” after defeating three other contenders in the first semifinals of the competition’s third year Saturday (Oct 6).


Sina Elaine Duran at Ranillo Enriquez ang pinangalanang unang grand finalists ng ikatlong taon ng “Tawag ng Tanghalan” sa “It’s Showtime” matapos nilang magwagi sa Quarter 1 semifinals ng kumpetisyon noong Sabado (Okt 6).
 
Matapos gumawa ng kasaysayan bilang “TNT recold holder,” ipagpatuloy pa ni Elaine ang pagbabahagi ng kanyang talento matapos siyang makakuha sa semifinals ng pinakamataas na combined score mula sa madlang people text votes at hurado scores na 97.57%. Pasok na rin sa grand finals si Ranillo na nakakuha ng 57.77%.
 
Sa naganap na semifinals, nagbigay ng inspirasyon sina Elaine at Ranillo nang ibahagi nila na kinailangan nilang labanan ang pagdududa at kawalan ng kumpyansa sa sarili para abutin pangarap at sumali sa “Tawag ng Tanghalan.”
 
Parehong nakakuha ng tig-P150,000 si Elaine, na mula Butuan City, at si Ranillo na galing Cebu.
 
Patuloy na subaybayan ang pasiklaban sa kantahan sa “Tawag ng Tanghalan,” sa “It’s Showtime” tuwing tanghali sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167). Para sa past episodes ng programa, pumunta lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.