News Releases

English | Tagalog

Mga maaksiyong pelikula ni Samuel L. Jackson, tampok sa Movie Central

November 15, 2018 AT 09:05 AM

Suspense and action Samuel L. Jackson movies on Movie Central

Movie Central’s Movie Blowout brings two of Samuel L. Jackson’s exciting suspense and action-filled films “Big Game” and “Barely Lethal” this November.

Bida sa Movie Blowout ng Movie Central ngayong Nobyembre ang dalawa sa mga kapanapanabik ng mga pelikula ni Samuel L. Jackson na “Big Game” at “Barely Lethal.”

Gaganap si Jackson, na kilala sa pagganap ng mga kakaibang karakter, sa “Big Game” bilang presidente ng America nastranded sa gitna ng disyerto sa Finland at nasa kamay ng isang 13-year old ang kanyang kaligtasan.

Isa naman siyang assassin trainer ng mga inabandonang mga batang babae sa “Barely Lethal” na mag-uutos sa karakter ni Hailee Steinfeld para mahuli ang arms dealer na si Jessica Alba.

Bukod sa dalawang pelikula, babandera din sa Movie Blowout ang “X-Men: Days of Future Past.” Nagbabalik ang sikat na karakter na si Wolverine (Hugh Jackman) sa nakaraan para baguhin ang kasaysayan at para hindi tuluyan mawala sa mundo ang sangkatauhan at mutants.

Para masimulan ang pagsubaybay ng mga palabas sa Movie Channel, kailangan lang ng TVplus users na pindutin ang scan button sa TVplus remote at i-browse ang TV list para mahanap ang channel assignment nito. Ang iba pang dagdag na channels sa ABS-CBN TVplus ay Asianovela Channel, Jeepney TV, MYX, at O Shopping.

Initially available ang limang bagong channels sa Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, Metro Cebu, at Cagayan de Oro. Naka-free trial hanggang Disyembre 31 ang channels maliban sa O Shopping.

Simula 2015, nabago ng ABS-CBN TVplus ang panonood ng telebisyon ng mga Pilipino dahil sa hatid nitong malinaw na signal na walang montly at installation fee. Bilang unang digital terrestrial television (DTT) service sa bansa, isa rin ang ABS-CBN TVplus na digital property ng ABS-CBN na nagtra-transition na maging digital company.

Pumunta sa tvplus.abs-cbn.com o i-follow ang ABS-CBN TVplus sa Facebook sa karagdagang detalye.