News Releases

English | Tagalog

Pinakaaabangang concert ng TNT Boys, live sa KBO

November 28, 2018 AT 02:51 PM

Highly-awaited TNT Boys major concert airs live on KBO

KBO continues to bring the Christmas treats as it brings yet another live concert this long weekend, the TNT Boys’ “Listen: The Big Shot Concert” this Friday (November 30).

Tuloy-tuloy ang pamimigay ng regalo ng KBO ngayong nalalapit na Kapaskuhan dahil live mula sa Araneta Coliseum, ipapalabas dito ang grand pagtatanghal ng TNT Boys na “Listen: The Big Shot Concert” ngayong Biyernes (Nobyembre 30).

 

Dadalhin nina Mackie Empuerto, Francis Concepcion, at Keifer Sanchez ang kanilang angking galing sa pagkanta hindi lamang sa The Big Dome kundi sa bawa’t tahanang may ABS-CBNTVplus, kasama ang bigating “It’s Showtime” at “Tawag ng Tanghalan” stars sa pangunguna ni Vice Ganda, Janine Berdin, Noven Belleza, at K Brosas.

 

Maliban sa concert, mapapanood din ngayong KBO long weekend ang “Barcelona,” “The Super Parental Guardians,” “My Perfect You,” “Heneral Luna,” at “Haunted Mansion.”

 

Mag-register gamit ang prepaid o postpaid SIM. Sa prepaid, mag-load lang (Globe, TM, Smart, Sun, TNT) ng P30; pindutin ang green / INFO button sa inyong TVplus box remote para makuha ang inyong box ID; i-text ang KBO30  NOV30<TVplus box ID> sa 2366. Huwag nang magpahuli at siguraduhing mag-register ng maaga para ready na sa panonood ng KBO.

 

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.