News Releases

English | Tagalog

“I LOVE YOU HATER” AT “SEVEN SUNDAYS,” MAPAPANOOD SA OPENAIR CINEMA ONE “SINESAYA” SA CAVITE

November 29, 2018 AT 03:10 PM

"I Love You Hater" and "Seven Sundays" light up OpenAir Cinema One "Sinesaya" in Cavite

“I Love You Hater” and “Seven Sundays” lead the highly anticipated OpenAir Cinema One this season dubbed “Sinesaya” happening on December 8, 6 PM in Lancaster New City Cavite.

Pangungunahan ng “I Love You Hater” at “Seven Sundays” ang pinaka-inaabangang OpenAir Cinema One ngayong Pasko na pinamagatang “Sinesaya” na magaganap sa Disyembre 8, 6PM sa Lancaster New City Cavite. 
 
Tampok ang JoshLia tandem sa “I Love You Hater” bilang sina Joko (Joshua Garcia) at Zoey (Julia Barretto), na maglalaban para mapiling personal assistant ni Sasha (Kris Aquino). Mula ito sa direksyon ni Giselle Andres.
Upang matulungan ang kanyang pamilya at makuha ang posisyon, magpapanggap si Joko na bakla, habang unti-unti namang mahuhulog ang loob ni Zoey sa kanya sa kabila ng pag-aakalang hindi siya nito magugustuhan. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Zoey at Sasha kapag nabuko nila ang katotohanan kay Joko?
 
Dodoblehin rin ng OpenAir Cinema One ang saya kasama ang blockbuster family drama na “Seven Sundays,” na pinagbibidahan nina Aga Muhlach, Dingdong Dantes, Enrique Gil, Christine Reyes, at Ronaldo Valdez, mula sa direksyon naman ni Cathy Garcia-Molina.
 
Kasama din sa kasiyahan ang Star Pop artist na si Maris Racal na handog ang kanyang mga bagong awitin.
 
Makisaya ngayong Pasko sa OpenAir Cinema One sa Lancaster New City Cavite sa Disyembre 8 (Sabado), 6 PM. Maaaring magpre-register ng libre saktx.abs-cbn.com upang makasama. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin angwww.abscbnpr.com.