News Releases

English | Tagalog

ALJUR AT EMPRESS SUSUUNGIN ANG LAHAT PARA SA PAG-IBIG SA “IPAGLABAN MO”

December 13, 2018 AT 09:21 PM

ALJUR AND EMPRESS FIGHT FOR LOVE AGAINST ALL ODDS IN “IPAGLABAN MO”

Aljur Abrenica and Empress Schuck fight for love against all odds and until the very end as they play Vince and Patricia Hernandez this Saturday (December 15) on “Ipaglaban Mo.”

Magkatuwang sa hirap at sakit…
 
Ipaglalaban nina Aljur Abrenica at Empress Schuck bilang mag-asawang Vince at Patricia Hernandez sa anumang hadlang at hanggang sa dulo ngayong Sabado (Disyembre 15) sa “Ipaglaban Mo.”
 
Labis ang pagmamahalan nina Vince at Patricia kahit na tutol ang nakatatandang kapatid ni Patricia na si Jena (Bernadette Allyson) sa relasyon dahil tindero lamang ng buko si Vince. Nagpasya silang magtanan para makapamuhay ng payapa habang patuloy na sinusuportahan ni Vince ang pag-aaral ni Patricia hanggang sa makapagtapos ito. Nagsumikap sila sa buhay hanggang sa umasenso sa pagtitinda ng mga produktong gawa sa buko.
 
Namatay diumano sa sama ng loob si Jena nang hindi nakakapag-areglo kay Patricia, bagay na isinumbat ng mga pamangkin na sina Sandro (Ryle Santiago) at Shaira (Michelle Vito) sa kanya.
 
Ngunit naging mapaglaro ang tadhana at nagkaroon ng malubhang sakit si Patricia. Tinupad naman ni Vince ang pangakong sasamahan ang asawa sa hirap at ginhawa at nagdesisyon ang dalawang magpakasal. Lumakas si Patricia dahil sa pag-aalaga at pagmamahal ng asawa, subalit tila naitakda na paghihiwalayin sila ng kamatayan.
 
Sa halip na makiramay at samahan sa pagdadalamhati si Vince, hinabol pa ng mga pamangkin ang naiwang kayamanan ni Patricia bilang pinakamalapit na natitirang kamag-anak at kinuwestiyon ang bisa ng naging kasal ng dalawa. Ayon kina Sandro at Shaira hindi naman “articulo mortis” o “marriage at the point of death” at wala raw sa bingit ng kamatayan ang tiyahin dahil nabuhay pa ito pagkatapos ikasal kay Vince.
 
Linabanan si Vince at umapela sa korte sa sinampang kaso nila Sandro at Shaira. Magkaka-ayos pa ba ang pamilyang nawatak? Hanggang saan dadalhin si Vince ng pagmamahal niya kay Patricia?
 
Handog ng “Ipaglaban Mo,” ang longest-running na legal drama sa bansa, ang mga makabuluhang episode base sa totoong buhay, na maaaring mapagkuhanan ng aral. Nagbibigay rin ito ng libreng legal advice linggo-linggo sa ABS-CBN Tulong Center sa Quezon City.
 
Huwag palampasin ang “Dalisay,” sa direksyon ni Don Cuaresma, ngayong Sabado (Disyembre 15), pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.
 
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE