News Releases

English | Tagalog

Jane, ilalaban ang pagkamatay ng amo sa “Ipaglaban Mo”

April 20, 2018 AT 02:45 PM

Bibida si Jane Oineza ngayong Sabado (Abril 21) bilang isang kasambahay na buong tapang na isisiwalat ang karumaldumal na pagpaslang sa kanyang amo ngayong Sabado (Abril 21) sa “Ipaglaban Mo.”

Walang pagsidlan ang saya ng pamilya Viray pati na ang kasambahay na si Lynn (Jane) nang manganak ang among si Bella (Nadine Samonte) kahit pa wala ang sundalong asawa na si Rico (Ryan Eigenmann) sa tabi nito.

Ngunit ang kasiyahan ay napalitan agad ng kalungkutan nang ma-aksidente si Rico. Dahil sa naturang pangyayari, nalunod sa depresyon ang lalaki.

Hindi naman ito ikinatuwa ni Bella kaya naman naging sanhi ito ng mga pag-aaway ng mag-asawa. Ngunit isang gabi, hindi inasahan ni Lynn na hahantong ang sagutan ng mag-asawa sa patayan.

Mabigyan kaya ni Lynn ng hustisya ang pagkamatay ni Bella?

Huwag palampasin ang episode ng “Ipaglaban Mo” na pinamagatang “Tapang” sa ilalim ng direksyon ni Digo Ricio ngayong Sabado (Abril 21), pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167) na may replay tuwing Miyerkules sa DZMM TeleRadyo at DZMM Radyo Patrol 630.

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.