News Releases

English | Tagalog

“ASAP Versus” magpapasiklab na ngayong Linggo

April 21, 2018 AT 03:35 PM

Isang vocal showdown sa pagitan nina Jed Madela at Morissette Amon ang matutunghayan ng viewers ngayong Linggo (Abril 22) sa pinakabagong segment ng “ASAP” na “ASAP Versus.”
 
Bukod sa harapan nina Jed at Morisette, apat pang pasabog ang naghihintay sa mga Kapamilya ngayong weekend.
 
Tutukan ang isang concert treat ng nagbabalik na Asia’s Soul Supreme na si KZ Tandingan.
 
Samantalang, sabay sabay naman batiin ang pinakabagong Kapamilya na si Ryza Cenon sa isang espesyal na welcome party. 
 
Dapat abangan din ang big birthday blowout ng King Of Hearts na si Daniel Padilla at maki-celebrate sa engradeng selebrasyon na ihahandog ng programa para sa ika-35 taon ng nag-iisang Mr. Pure Energy ng bansa, si Gary Valenciano.
 
Huwag palalampasin ang “ASAP” ngayong Linggo (Abril 22), 11:45AM, sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Maaaring mapanood ang replay ng episode sa iwantv.com.ph o kayasa skyondemand.com.ph para sa mga Sky subscribers. I-tweet na ang iyong reaksyon o opinyon sa show sa Linggo gamit ang official hashtag na #ASAPSummerPower
 
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.
Makakakuha ng Thank You Points ang mga miyembro ng customer loyalty program ng ABS-CBN na “Kapamilya Thank You” kapag i-enter nila sa website (thankyou.abs-cbn.com) ang hashtag of the day ng “ASAP.” Nagkakahalagang 10 points ang bawat valid na hashtag.