News Releases

English | Tagalog

Piolo at Arci, hiwalay na sa "Since I Found You"

May 15, 2018 AT 03:00 PM

Isang masakit na desisyon ang babago kina Nathan (Piolo Pascual) at Dani (Arci Munoz) ngayong nauwi sa mapait na hiwalayan ang kanilang matamis na pagmamahalan sa Kapamilya primetime series na “Since I Found You.”

Sabay sa pagguho ng rail system na itinayo ng kumpanya ni Nathan ang pagkasira rin ng relasyon nila ni Dani ngayong ang dalaga ang sinisisi ng CEO kung bakit hindi niya natutukan ang proyekto. Lubos namang nasaktan si Dani sa kanyang narinig at sinabi ang kanyang hinanakit sa mabilis na pagsuko ni Nathan sa kanilang relasyon.

Ngunit hindi pa natatapos ang pagsubok nila dahil ipagpapatuloy ni Ginno (JC De Vera) ang kanyang mga planong pabagsakin si Nathan sa pagkuha niya sa tiwala ni Dani upang tuluyan nang talikuran ang dating nobyo.

Pero sa tulong naman ni James (Empoy) at Janice (Alessandra De Rossi), lalaban si Nathan at hindi mawawalan ng pag-asang makabangon mula sa paghihirap na kanyang dinaranas.

Tuluyan na nga bang magkakalayo ang landas nina Nathan at Dani?

Panoorin ang “Since I Found You” gabi-gabi sa Primetime Bida sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang abscbnpr.com.