News Releases

English | Tagalog

Tambalang Elisse-BoybandPH sa "Wansapanataym," panalo ang kilig sa buong bansa

May 21, 2018 AT 03:20 PM

Panalo sa national TV ratings ang unang tambalan ni Elisse Joson at ng BoybandPH sa telebisyon matapos tutukan ng mas maraming Pilipino ang pag-uumpisa ng “Wansapanataym Presents: Ofishially Yours” noong Linggo (May 20).

Nagkamit nga ang serye ng national TV rating na 26.2%, kumpara sa katapat nito na “Daig Kayo ng Lola Ko” na nakakuha lamang ng 12.8%, ayon sa datos ng Kantar Media, na parehong mula sa urban at rural homes. 

Sa una nitong episode, natunghayan ng mga manonood ang kasamaan ng ugali ni Stella (Elisse), na naging dahilan ng pag-alis ng bandang Darker Than Black sa pinagmamay-ari niyang club matapos niyang lait-laitin ang mga miyembro nito, lalo na ang lider ng banda na si Jason (Joao Constancia).

Pero hindi pa matatapos ang kasamaan ng dalaga dahil magkukunwari siyang mahal niya si Jason at hihingi ng tawad sa lahat ng nagawa niyang kasalanan upang mapabalik ang banda nito sa kanyang club.

Paano nga kaya matututunan ni Stella ang kanyang leksyon?

Panoorin ang mga eksenang kapupulutan ng aral sa “Wansapanataym Presents: Ofishially Yours” sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.