News Releases

English | Tagalog

Bagong talk show na “Showbiz Pa More,” magdadala ng balitang artista sa Jeepney TV

May 03, 2018 AT 12:37 PM

New talk show “Showbiz Pa More” brings fun, fresh entertainment news on Jeepney TV

DJ Jhai Ho to deliver the hottest showbiz news on cable…

DJ Jhai Ho, handog ang maiinit na showbiz balita sa bagong cable program…

Ipinakikilala na ng Jeepney TV ang kauna-unahang talk show nito tampok ang pinakamaiinit na balita sa mundo ng telebisyon at pelikula sa “Showbiz Pa More,” kasama ang host na si DJ Jhai Ho, na magsisimula nang ipalabas sa darating na Mayo 6 (Linggo).

Bibida sa isang oras na lingguhang talk show ang mga pinag-uusapang kontrobersiya sa mundo ng showbiz, trending topics, events at happenings, at iba pang eksklusibong kaganapan na masayang ikukwento ni Jhai Ho.

Kilala bilang si Lord Jireh Nepomuceno Seruelo sa totoong buhay, nakilala sa Jhai Ho bilang showbiz reporter at DJ ng MOR 101.9. Pumatok din sa mga manonood ang kanyang online celebrity interviews na kilala sa titulong “Hotspot” at “Hotspot Wheel Talk.”

Sa unang episode ng “Showbiz Pa More,” makakakwentuhan ni Jhai Ho ang aktor na si Matteo Guidicelli sa main segment ng programa na “On Da Spot.” Asahan ang masayang interview sa “Bagani” star dahil haharapin nito hindi lamang ang mga tanong ni Jhai Ho kungdi pati na rin ang game challenge na ipapasubok sa kanya.

Ka-abang-abang din ang iba pang magiging celebrity guests ng programa para sa buong buwan ng Mayo – ang singer na si Jake Zyrus, ang “The Blood Sisters” actor na si Enchong Dee, at ang bidang aktres ng “Hanggang Saan” na si Sylvia Sanchez.

Ilan pang bahagi ng programa ang Hotspot kung sann magbibigay ang kwelang host ng recap ng mga bonggang showbiz headlines, at Joyride kung saan tampok ang ilang behind-the-scene event exclusives. Bibida rin ang iba pang showbiz tidbits, tulad ng #ThrowbackKahitHindiThursday, kung saan ibabahagi ng mga artista ang nakakatuwang kwento tungkol sa mga hindi makakalimutang eksena sa tampok na pelikula o programa ng Jeepney TV, at ilang bahagi na makakaharap naman ni Jhai Ho ang mga fans sa On The Jeep (OTJ), Extreme Fan, at iba pa.

Isang karangalan ng Jeepney TV na ibalik ang mga paboritong programa at pelikulang Kapamilya mula noong 80’s, pati na rin ang mga tumatak na mga palabas kamakailan, na naging bahagi na ng buhay ng mga Pinoy. Mapapanood ito sa SKYcable channel 9, Destiny Cable Analog 41 at Digital 9.

Abangan ang “Showbiz Pa More” sa Jeepney TV simula Mayo 6 (Linggo), 4pm. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE