News Releases

English | Tagalog

Shaina, maisalba pa kaya ang buhay ng anak sa "Asintado"?

June 13, 2018 AT 02:45 PM

Isang trahedya ang haharapin ni Samantha (Shaina Magdayao) dahil malalagay sa bingit ng kamatayan ang kanyang anak at ituturo si Ana (Julia Montes) bilang may pakana ng lahat sa “Asintado.”

Wala na ngang mapagsidlan ang galit ni Samantha dahil matapos ang pagdukot sa kanyang anak, walang habas niyang sinagasaan si Ana at tinutukan pa ng baril upang paaminin ito sa ginawang krimen. Pero hindi naman nagpadaig si Ana dahil nagawa niya ring ipagtanggol ang sarili at pinatunayang wala siyang kinalaman sa ibinibintang sa kanya.

Sa pag-aakala namang hindi na makikita ang anak, matatagpuan ni Samantha ang kanyang sanggol sa loob ng kanyang kwarto, ngunit halos wala na itong buhay.

Pero lingid sa kaalaman ng lahat, si Salvador (Nonie Buencamino) ang utak sa likod ng lahat bilang parte ng plano niyang pagsalpukin sina Ana at Samantha ngayong alam niya nang magkapatid ang dalawa.
Makaligtas pa kaya ang anak ni Samantha?

Panoorin ang maaaksyong kaganapan sa “Asintado” tuwing hapon sa Kapamilya Gold sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.