News Releases

English | Tagalog

Mega blockbuster film na “The Revenger Squad,” magpapasiklab sa Cinema One ngayong Linggo

June 22, 2018 AT 01:27 PM

Blockbuster film “The Revenger Squad” hits Cinema One this Sunday

“Gandarrapiddo: The Revenger Squad,” one of Philippine cinema’s biggest blockbuster hits starring Daniel Padilla, Pia Wurtzbach, and Vice Ganda, brings loads of laughter on Cinema One as the action comedy superhero film premieres this Sunday (June 24).

Daniel, Pia, at Vice, magsasama-sama bilang superheroes

Maghahatid ng bonggang katatawanan sina Daniel Padilla, Pia Wurtzbach, at Vice Ganda sa isa sa pinakamatagumpay na pelikula ng bansa—ang “Gandarrapiddo: The Revenger Squad,”—sa unang pagpapalabas nito sa Cinema One ngayong Linggo (Hunyo 14).

Iikot ang nakaaaliw na istorya kay Emy (Vice) na protective sa kanyang nakababatang kapatid na si Chino (Daniel). Sa ika-21 kaarawan ni Chino, lalabas na ang kanyang mga kapangyarihan. Kailangang maalala ni Emy na siya ang natatanging si “Gandarra,” ang pinakamalakas na superhero sa lahat. Ngunit dahil sa mga sikretong kanilang itinatago, magkaka-alitan ang magkapatid at ipagpapatuloy ni Chino ang pagiging isang superhero bilang ang mabilis at maliksi na si “Rappido.”

Dadagdag pa sa gulo si Kweenie (Pia)—isang kontrabidang nagtatago bilang former beauty queen at modelong si Cassandra Stockings.

Tampok rin sa pelikula sina Karla Estrada, Ejay Falcon, Loisa Andalio, Justin James Quilantang, Wacky Kiray, Lassy Marquez, MC Calaquian, at RK Bagatsing.

Mula sa direksyon ni Joyce Bernal at sa produksyon ng Star Cinema at Viva Films, unang ipinalabas ang “Gandarappiddo: The Revenger Squad” noong Disyembre 25 bilang isa sa walong official entries ng 2017 Metro Manila Film Festival, kung saan napanalunan nito ang People’s Choice Award. Isa ang pelikula sa top grossing films ng festival na umani ng P540 million na kita sa opisyal na takbo ng MMFF. Umabot pa ang kinita nito sa halagang P571 million hanggang Enero 17.

Makigulo at makisaya sa “Gandarrapiddo: The Revenger Squad,” ngayong Linggo (Hunyo 24), 8 PM sa Blockbuster Sunday ng Cinema One. Mapapanood ang nangungunang cable channel sa bansa sa SKYcable Channel 56, SKYdirect Channel 19, Destiny Cable Analog 37 at Digital 56. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.