News Releases

English | Tagalog

Mag-asawa, babalikan ang kanilang love story sa "Go Back Couple"

June 08, 2018 AT 05:36 PM

Married couple goes back in time to change their fate in "Go Back Couple"

Beginning this Monday (June 11), ABS-CBN takes you to a different journey on love and marriage in the newest Asianovela “Go Back Couple.”

Paano kung makakabalik ka to where it all began? Pipiliin mo pa bang mahalin ang asawa mong gusto mo ng hiwalayan?
 
Tunghayan ang nakakakilig at nakakaantig na kwento ng pag-ibig sa pinakabagogn Asianovela ng ABS-CBN na “Go Back Couple” simula ngayong Lunes (Hunyo 11).
 
Pagbibidahan nina Son Ho-jun at Jang Na-ra ang mag-asawang may matinding pinagdaraanan sa kanilang pagsasama. Sa araw araw ng kanilang buhay, naghahabol sa kliyente sa umaga si Randy Choi (Ho-jun) bilang isang pharmaceutical salesman, habang nawalan na ng pag-asa bilang isang maybahay ang kanyang asawa na si Jodi Choi (Na-ra), na siyang nag-aalaga sa kanilang anak na si Gavin.
 
Isang araw ay babalik sina Randy at Jodi sa panahon kung saan sila ay nasa kanilang 20s at magkakakilala pa lang sa kolehiyo, sa pamamagitan ng kanilang mga wedding ring na meron palang mahika pagkatapos nilang magdesisyon na kumuha ng diborsyo. Oras na mapagtanto nila na nagtime travel sila dala ang kamalayan ng kanilang pangkasalukuyang katauhan, agad nilang susubuking baguhin ang kanilan buhay iiwasang ma-in love uli.
 
Maibabalik pa kaya nila ang kanilang dating pagtitinginan? Mapapatawad pa ba nila ang isa’t isa? O masasanay sila sa pagkakahiwalay nila? Ano kaya mangyayari kay Gavin sa mga desisyon nila?
 
Huwag palalampasin ang “Go Back Couple,” simula Lunes (Hunyo 11) pagkatapos ng “Precious Hearts Romance: Araw Gabi” sa first and true home of Asianovelas, ABS-CBN.
 
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.