News Releases

English | Tagalog

Pelikulang “Siargao,” mapapanood na sa Cinema One ngayong Linggo

July 12, 2018 AT 06:34 PM

“Siargao” film brings waves on Cinema One this Sunday

Erich, Jasmine, and Jericho find solace in island life

Dadalhin ng Cinema One ang mga manonood sa magagandang tanawin sa unang pagpapalabas nito ng pelikulang “Siargao” tampok sina Erich Gonzales, Jasmine Curtis-Smith, at Jericho Rosales, ngayong Linggo (Hulyo 15).

Sundan ang kaaya-ayang vlogger na si Laura (Erich) na tutungo sa isla ng Siargao matapos makipaghiwalay sa kanyang nobyo. Makikilala niya si Diego (Jericho), na siya namang uuwi sa probinsya upang makalimot sa problema. Magkasama ang dalawang lilibot sa isla habang susubok harapin ang kani-kaniyang pagsubok—ang pagtuklas ni Laura sa kaniyang sarili, at ang pagharap ni Diego sa kanyang dating kasintahan na si Abi (Jasmine).

Unang ipinalabas ang “Siargao” bilang isa sa walong official entries ng 2017 Metro Manila Film Festival na nanalo ng pito mula sa labing-dalawang nominasyon nito—Best Supporting Actress para kay Jasmine, Best Director para kay Paul Soriano, Best Cinematography, Best Editing, Best Sound, Best Theme Song, at Second Best Picture.

Bukod sa kwentong pag-ibig at pagbangon nito, tampok rin sa pelikula ang sikat na beach vibe at night life ng Siargao. Ipinakita rin dito ang General Luna, Cloud 9, at Sugba Lagoon, ilan lamang sa mga tanyag na tourist spots ng lugar.

Kasama rin sa pelikula sina Enchong Dee, Mica Javier, Wilmar Melindo, Roxanne Barcelo, Will Devaughn, ang dalawa sa top surfers  ng bansa na sina Luke Landrigan at Wilmar Melindo, at ang YouTube vlogger na si Wil Dasovich.

Mamangha sa kagandahan ng “Siargao” ngayong Linggo (Hulyo 15) sa bagong oras ng Blockbuster Sunday ng Cinema One, 7 PM. Mapapanood ang Cinema One sa SKYcable Channel 56, SKYdirect Channel 19, Destiny Cable Analog 37 at Digital 56. Para sa iba pang updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin angwww.abscbnpr.com.