News Releases

English | Tagalog

Makisig at Zaijan ng “Bagani,” makikisali sa saya sa “Matanglawin”

July 26, 2018 AT 02:34 PM

“Bagani’s” Makisig and Zaijan join the fun in “Matanglawin”

While they are busy saving Sansinukob during weekdays on hit fantaserye “Bagani,” Dumakulem (Makisig Morales) and Liksi (Zaijan Jaranilla) take time off from their hero duties this weekend as they join “Matanglawin” this Sunday (July 29), 9:45 am on ABS-CBN.

Araw-araw, abala sina Dumakulem (Makisig Morales) at Liksi (Zaijan Jaranilla) na iligtas ang mundo ng Sansinukob sa hit fantaserye na “Bagani” ngunit sa darating na Linggo (Hulyo 29), makikigulo ang mga bida sa Sansinukob sa “Matanglawin,” 9:45 am sa ABS-CBN.

Magpapaligsahan sina Makisig at Zaijan, parehong dating child star, sa “Isang Tanong, Isang Sagot” na segment ni Kuya Kim Atienza kung saan magkakaroon ng pagkakataong makipag-picture sa isang espesyal na panauhin ang mananalo.

Samantala, pupunta naman si Kuya Kim sa Mind Museum para bisitahin ang kanilang pinakabagong display: ang Space Adventure. Dito, aalamin ni Kuya Kim ang iba pang bagay tungkol sa ating tinitirahang mundo pati na mga kapitbahay nito. Bukod pa riyan, tutuklasin din niya kung may iba pang planeta na kayang bumuhay sa atin sa hinaharap.

Huwag palampasin ang kanilang mga trip sa pinaka-pinarangalang educational program sa bansa ngayong Linggo (Hulyo 29), 9:45 am sa ABS-CBN at ABS-CBN HD. Manood online sa iwantv.com.ph, skyondemand.com.ph. Sundan ang kanilang Facebook at Twitter (@MatanglawinTV). Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE