News Releases

English | Tagalog

“BAD GENIUS,” IPAPALABAS SA CINEMA ONE

August 10, 2018 AT 01:10 PM

Thai crime thriller "Bad Genius" airs on Cinema One

Highest grossing Thai film of 2017 premieres on the cable channel

Ipapalabas sa unang pagkakataon sa Cinema One ngayong Linggo (Agosto 12) ang blockbuster thriller na “Bad Genius,” ang pinakamatagumpay na pelikula mula sa Thailand tampok ang nakakaintrigang krimen na nagsimula sa simpleng high school exam hanggang sa umabot sa ibang bansa kapalit ng malaking halaga.
 
Mapapanood si Chutimon Chuengcharoensukying bilang ang “Bad Genius” na si Lynn, isang matalinong estudyante na mandaraya sa mga pagsusulit para kumita ng pera, hanggang sa lumaki ang pandarayang ito na may nakatayang milyong milyon pera.
 
Base sa tunay na pangyayari ng isang pandaraya sa college admission test, ang “Bad Genius” ay kinuhanan sa Thailand at Australia. Ito ang nangunang pelikula sa Thailand noong 2017 at kasalukuyang pinakamatagumpay na Thai film na ipinalabas sa iba’t ibang bansa. Nakatanggap rin ito ng sangkatutak na awards sa 27th Suphannahong National Film Awards at sa iba pang international film festivals.
 
Sa review na isinulat ni Maggie Lee sa American online magazine na Variety.com, ikinumpara niya ang karanasan ng panonood ng nabanggit na Cinema One Blockbuster Sunday feature sa matagumpay na Hollywood film na “Ocean’s Eleven” dahil sa magaling at exciting na kwento nito. 
 
Pinuri din ni Maggie ang mga gumanap dito dahil sa kanilang energy at nakakatawang timing. Anya, ang teen model na si Chuengcharoensukying ay naging kaaya-ayang mapanood sa kanyang film debut.
 
Abangan ang nakakamanghang crime adventure sa “Bad Genius” sa Linggo (Agosto 12) sa Blockbuster Sunday ng Cinema One, 7 PM. Mapapanood ang Cinema One sa SKYcable Channel 56, SKYdirect Channel 19, Destiny Cable Analog 37 at Digital 56. Para sa iba pang updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin angwww.abscbnpr.com.