News Releases

English | Tagalog

Ryan Tamondong, inilabas na ang ka-abang abang na debut album

September 27, 2018 AT 02:34 PM

Ryan Tamondong delivers fresh OPM songs in debut album

Rising singer Ryan Tamondong, a grand prix champion at the 2015 Euro Pop Berliner Perle, has finally released his self-titled debut album under Star Music.

Euro Pop champion, isa ng Star Music artist

 

Inilunsad na ng Euro Pop Berliner Perle 2015 grand prix champion na si Ryan Tamondong ang kanyang pinaka-inaabangang self-titled debut album mula sa Star Music.

Dating contestant si Ryan sa “I Can See Your Voice” ng ABS-CBN na nasungkit ang ikalawang pwesto sa isang episode ng nasabing mystery music game show. Ngayon may album na siya at kasalukuyang ipinakikilala ang kanyang pop love single na “Haay Pag-ibig” mula sa komposisyon ng kanyang manager, ang songwriter na si Joel Mendoza.

Isang Conservatory of Music student sa University of Santo Tomas si Ryan na kasalukuyang tampok din sa “OPM Refreshed” ng Star Music YouTube channel.

Dito kabilang ang kanyang live version ng OPM classic na “Sana Ay Ikaw Na Nga,” ang Basil Valdez original mula sa komposisyon ni Cecile Azarcon Inocentes. Bahagi rin ang awitin ng five-track album ni Ryan.

Ilan pa sa dapat mapakinggan sa bagong album na ito ang “Ikaw Ang Panaginip” at “Ako’y Minamahal Mo Pa Rin,” na isinulat rin ni Joel, at ang “Since You Went Away,” mula sa komposisyon ni Joel at Vehnee Saturno.

Ang bagong Star Music talent ang kauna-unahang Asian na sumali at nagwagi sa Euro Pop Berliner Perle grand prix championship na ginanap sa bansang Germany. Dahil sa pagkakapanalo niya rito, siya rin ay itinanghal na International Achievement Awardee sa 29th Awit Awards.

Pakinggan at i-download na ang mga awitin ni Ryan sa digital stores. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang starmusic.ph, i-like ang Star Music sa facebook.com/starmusicph, at sundan ito sa Twitter at Instagram @ StarMusicPH.

Ryan Tamondong, Star Music audio content head Jonathan Manalo, and manager Joel Mendoza