News Releases

English | Tagalog

Tradisyon ng pagmamahal at pagkakaisa, ipinagdiwang ng higit 300 Kapamilya stars sa ABS-CBN Ball 2018

September 30, 2018 AT 12:48 PM

Over 300 Kapamilya stars share the love at ABS-CBN Ball 2018

The country’s highly anticipated celebrity fashion event of the year brought together more than 300 Kapamilya stars for a night of celebration and giving back at the ABS-CBN Ball 2018.


Nagtipon-tipon ang higit sa 300 pinakamalalaking bituin sa bansa para ipagdiwang ang pagkakaibigan at ilunsad ang isang makabuluhang kampanya sa ABS-CBNBall 2018 na idinaos sa Makati Shangri-La noong Sabado ng gabi (Sep 29).
 
Kuminang man sa red carpet ang magagandang kasuotan ng Kapamilya stars, mas naging makahulugan ang ball dahil sa paglulunsad ng adbokasiyang tutulong sa muling pagbubukas ng Bantay Bata 163 Children’s Village.
 
Pinangunahan ni Vice Ganda ang launch ng naturang adbokasiya na naglalayong makatulong sa pangangalaga ng mga batang dumanas ng pang-aabuso o kapabayaan sa pamamagitan. Sa Children’s Village sa Norzagaray, Bulacan, mabibigyan ng agarang kalinga ang mga bata at tutulungan silang gumaling at makabangon ang mga bata mula sa kanilang madilim na karanasan sa pamamagitan ng pisikal at psychological na pangangalaga.
 
 
Tampok din sa pagdiriwang ng pagkakaibigan at pagsasama-sama ang pamimigay ng espesyal na glam awards, kabilang na ang Oppo Couple of the Night na napunta sa “Exes Baggage” stars na sina Carlo Aquino at Angelica Panganiban.
 
Umangat naman ang outfits nina nina Jericho Rosales at Erich Gonzales na siyang nagwagi bilang Metro Best Dressed Male at Metro Best Dressed Female awards.
 
Kuminang din sa naturang gabi si Maymay Entrata na nagwagi ng Belo Beautiful Star of the Night, at si Chie Filomeno na pinangalanang The Bar Next Generation Star.


 
Nagsanib-pwersa naman sina KZ Tandingan, Janine Berdin, at Yeng Constantino sa paghandog ng sarili nilang mga bersyon ng hits ni Aretha Franklin, samantalang naghandog ng inspirasyon sina Martin Nievera, Jona, at John Arcilla sa medley nila ng “Can You Feel The Love Tonight,” “Not While I’m Around,” at “You Raise Me Up.”
 
 
Binuksan naman nina Daniel Padilla at Gary Valenciano ang programa sa awiting “Girl From Ipanema/LOVE,” habang pinaindak naman nina Inigo Pascual at Billy Crawford hanggang sa dulo ang mga attendee sa kanilang performance ng “Girls Like You.”


 
Ang ABS-CBN Ball ay pinangunahan ng host na si Boy Abunda, at dinaluhan ng pinakamalalaking stars ng ABS-CBN gaya nina Judy Ann Santos-Agoncillo, Angel Locsin, Coco Martin, Vice Ganda, Anne Curtis, Sarah Geronimo, Kim Chiu, Erich Gonzales, Bea Alonzo, Jodi Sta. Maria, Maja Salvador, Jericho Rosales, Angelica Panganiban at Piolo Pascual, at pinakamaiinit na love teams gaya nina Nadine Lustre at James Reid, Maymay Entrata at Edward Barber, Kisses Delavin at Donny Pangilinan, Julia Barretto at Joshua Garcia, Liza Soberano at Enrique Gil, at Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
 
Dumalo rin sa event ang beauty queens na sina Catriona Gray, Pia Wurtzbach, Kylie Verzosa, Nicole Cordoves, at Ariella Arida.
 
Nakisaya rin sa pagdiriwang ang ABS-CBN executives kabilang na ang chairman emeritus ng kumpanya na si Gabby Lopez, chairman na si Mark Lopez, president at CEO na si Carlo Katigbak, chief content officer na si Charo Santos-Concio, COO for broadcast na si Cory Vidanes, Freddie Garcia, at Star Magic head Mariole Alberto at chairman emeritus Johnny Manahan.
 
Nakibahagi naman ang Kapamilya fans mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo sa kanilang all-out na pagsuporta at pag-post tungkol sa selebrasyon kaya naman umangat sa worldwide trending topics ng Twitter ang official hashtag ng okasyon na #ABSCBNBall2018.