News Releases

English | Tagalog

Kuya Kim, biyaheng HK para sa isang adventure

January 11, 2019 AT 03:16 PM

Kuya Kim, off to an adventure in Hong Kong

Kim Atienza is off to an adventure early in 2019 as he and the “Matanglawin” crew troop to Asia’s World City, Hong Kong.

Sasabak agad sa isang adventure ngayong 2019 si Kim Atienza, sa pagpunta ng “Matanglawin” sa Hong Kong ngayong Linggo (Enero 13). Samahan siya sa tinaguriang Asia’s World City kung saan lilibutin niya ang tanyag na Sham Sui Po, titikman ang sari-saring street food, at hahanapin ang mga kakaibang souvenir doon.

Bibisitahin din ni Kuya Kim ang isa sa orihinal na estudyante ni Master Yip Man, na siya ring nagturo sa kilalang kungfu master na si Bruce Lee.

Abangan iyan at iba pa sa pinaka-pinarangalang educational program sa TV sa bansa ang “Matanglawin” ngayong Linggo (Enero 13) ng 9:45 am sa ABS-CBN at ABS-CBN HD. Manood online sa iwant.ph o skyondemand.com.ph. Para sa updates, sundan ang @MatanglawinTV sa Facebook at Twitter, pati na rin ang @ABSCBNPR sa Facebook, Instagram, at Twitter o bumisita sa www.abscbnpr.com.