News Releases

English | Tagalog

Anim na Kapamilya stars muling pumirma ng kontrata sa ABS-CBN

January 31, 2019 AT 12:17 PM

Six Kapamilya stars renew contract with ABS-CBN

Six of the most sought after celebrities remain Kapamilyas after renewing their respective contracts with ABS-CBN recently.

Anim sa mga kilalang artista ng ABS-CBN ang mananatiling Kapamilya matapos silang pumirma ng tig-dalawang taong kontrata sa ABS-CBN kamakailan.
 
Nangunguna rito ang aktres na si Bea Alonzo na nasasabik na sa nalalapit na South East Asian premiere ng kanyang pelikula na “Eerie” sa darating na Marso. Abala rin si Bea sa paggawa ng teleserye kasama si Richard Gutierrez. “I feel really blessed to remain a Kapamilya. My heart is so grateful for all the trust that the Kapamilya bosses are giving me,” ani Bea nang tanungin kung anong nararamdaman niya sa muling pagpirma ng kontrata.
 
Nag-renew rin ng kontrata si Enchong Dee. Nakatakdang irelease ang kanyang pelikula na pinamagatang “Elise” sa susunod na buwan. May ginagawa ring teleserye si Enchong na dapat abangan ng kanyang fans. Ibinahagi ng aktor na sobrang saya niya sa mga proyektong inihanda ng ABS-CBN para sa kanya.
 
Ang Kapamilya aktor na si JM de Guzman naman ay abala sa pinaghahandaan niyang pelikula at teleserye sa ABS-CBN. Umaapaw ang saya ni JM sa pananatili niya bilang isang Kapamilya, "I'm trying to be calm as possible but I really want to celebrate because this is a very special day for me."
 
Masaya rin si momshie Jolina Magdangal sa dalawa pang taon niya sa Dos. Patuloy siyang magsisilbing host sa morning talk show na “Magandang Buhay” kasama sina Melai Cantiveros at Karla Estrada. "Sobrang happy maging isang Kapamilya. I feel really grateful to ABS-CBN," ibinahagi ni Jolina.
 
Isa rin sa nag-renew ng kontrata sa ABS-CBN si Yassi Pressman. Patuloy na masusubaybayan si Yassi sa isa sa mga longest-running television series na "FPJ's Ang Probinsyano." Ipinaramdam din ni Yassi ang kanyang galak bilang isang Kapamilya: "Masayang-masaya ako that I found home here at winelcome ako ng mga tao with open arms. I just feel very blessed to still be here in ABS-CBN."
 
Ang aktres na si Bela Padilla ang kumumpleto sa anim na artistang muling pumirma ng kontrata sa ABS-CBN. Abala si Bela sa pagte-taping ng bagong mystery-thriller series ng ABS-CBN na "Mea Culpa." Ibinahagi rin niyang dream come true ang makatrabaho ang aktres na si Jodi Sta. Maria. "I’m very satisfied. Being a Kapamilya, opened so many new opportunities for me in the last three years. I was able to write a book, write scripts, and more. I wouldn’t have done that if not for the support of our bosses here," ani Bela.
 
Dumalo sa pirmahan ng kontrata sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, ABS-CBN president at  chief executive officer Carlo Katigbak, chief operating officer ng broadcast Cory Vidanes, TV production head Laurenti Dyogi, head ng finance para sa broadcast at news and current affairs Cat Lopez, Star Magic head Johnny Manahan, Veronique Corpuz ng Viva Artist Agency Inc., at Perry Lansingan na co-manager ni Jolina Magdangal.