News Releases

English | Tagalog

Kiara at Gino, magsasama bilang MYX celebrity VJs ngayong Oktubre

October 04, 2019 AT 04:41 PM

Kiara and Gino spice up MYX as this month's celebrity VJs

Exciting things to look forward to this month on the number one music channel, MYX!

Siguradong mahihirapang kumalma ang mga KiaNo fans dahil ang dating "PBB Otso" housemates na sina Kiara Takahashi at Gino Roque ang MYX celebrity VJs ngayong buwan ng Oktubre.
 
Noong nasa loob pa ng bahay ang dalawa, pinanood ng marami kung paano pinagsikapan ni Gino na masabi kay Kiara ang paghanga niya rito. At kahit hindi siya nakaabot sa big night bilang finalist, sinuportahan niya si Kiara na siyang nanalo bilang second big placer. Ngayong nasa "outside world" na ang dalawa, dapat namang abangan ang paghahatid nila ng mga pinakamagagandang kanta sa MYX.
 
Pakikiligin naman nina Daniel Seavey, Jack Avery, Jonah Marais, Corbyn Besson, at Zach Herron ng American breakout boyband na Why Don't We ang kanilang “limelights” bilang "MYX Headliners" ngayong buwan.
 
Samantala, bibida sa "MYX Spotlight" ang 17-anyos na singer-songwriter na si Syd Hartha, dala ang kanyang kakaibang folk pop na tunog na maririnig sa pinakabago niyang kanta na "Ayaw."
 
Bukod sa mga bagong handog na ito, dapat ding abangan ng mga MYX viewers at mananayaw sa nangungunang music channel sa bansa ang unang season ng American TV show na “World of Dance” tuwing Sabado (8pm) at Linggo (12mn) simula sa October 12. Host ng ng reality competition si Jenna Dewan, kasama sina Ne-Yo, Derek Hough at Jennifer Lopez bilang mga judge.
 
Kaabang-abang din ang mga bagong episode ng "MYXed Lives" na magpapasilip sa buhay ng iba't ibang artista. Abangan si Edward Barber sa Oct. 12, si Dani Mortel sa Oct. 19 at ang MNL48 sa October 26.
 
Siyempre pa, handog rin ng MYX ang mas maraming nakabibilib na performances mula sa OPM artists sa "MYX Live!" tuwing Linggo, 4:30pm. Mapapanood sa Oct. 6 si Inigo Pascual, si Kyle Echarri sa Oct. 13, si Janina Vela sa Oct. 20, at ang bandang Sandwich sa Oct. 27. Pwede ring mapanood na ang mga performance sa All Music MYX YouTube channel tuwing 7pm kada Huwebes, bago ito ipalabas sa MYX.
 
Samahan sina Kiara at Gino na maghatid ng musika at kilig sa POP MYX hanggang Oct. 5, sa Pinoy MYX mula Oct. 6 hanggang 12, sa Mellow MYX mula Oct. 13 hanggang 19 at sa My MYX mula Oct. 20 hanggang 26. Panoorin ang "MYXed Lives" 4:30pm tuwing Sabado, 1:30pm tuwing Linggo, 5:30pm tuwing Martes, at 9:30pm tuwing Huwebes. Mapapanood ang MYX sa ABS-CBN TVplus channel 12, sa SKYcable channel 23, at SKYdirect channel 37. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE