News Releases

English | Tagalog

James Reid at Nancy ng Momoland, magtatambal sa serye ABS-CBN

October 06, 2019 AT 05:41 PM

Isang malaking sorpresa ang handog ng ABS-CBN dahil sa unang pagkakataon magtatambal sa teleserye ang Kapamilya leading man na si James Reid at ang lead vocalist ng Momoland na si Nancy Jewel Mcdonie.

Naganap ang anunsyo sabay sa contract signing ng Momoland sa ABS-CBN noong Biyernes (Oktubre 4). Ang teleseryeng pinamagatang “The Soulmate Project” ay sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment at Proj 8.

Ito ang kauna-unahang proyekto sa Pilipinas ni Nancy, na lubos nang nasasabik para sa kanyang unang pagsabak sa pag-arte sa telebisyon.

“I’m very excited, and also I’m very nervous. It’s my first time to come to the Philippines to do a project. I’ve never been in a big drama before, so I guess I can say it’s my first time. (Nasasabik ako at kinakabahan. Ito ang unang beses na pumunta ako sa Pilipinas para gumawa ng proyekto. Hindi pa ako nasama sa malaking drama noon, masasabi kong first time ko ito),” sabi ng Korean star.
 
Masaya naman si James sa oportunidad na makatrabaho si Nancy sa kanyang pagbabalik teleserye.
“I have to be honest, I’m a little star struck of course. I’m super excited to work with her. It’s my first time to work with an international artist. It will be the first of its kind in the Philippines. (Sa totoo lang na-star struck ako syempre. Nasasabik ako makatrabaho siya. Unang beses na may makakatrabaho akong international artist. Ito rin ang unang klase nito sa Pilipinas), sabi ng Kapamilya heartthrob.

Mag-uumpisa ang shooting ng serye sa 2020 at kukunan ang ilan sa mga eksena nito sa Pilipinas at South Korea. Ito rin ay sa ilalim ng box-office director na si Antoinette Jadaone, na siya ring nag-direk sa hindi malilimutang serye na “On The Wings of Love.”

Nakilala si Nancy bilang isa sa miyembro ng sikat na all-girl group na umawit sa dance crazes na “Bboom Bboom” at “Bbam” na sumikat sa buong mundo. Huling napanaood naman si James bilang judge ng “Search for the Idol Philippines” at kasalukuyang abala sa kanyang record label na Careless Manila, na nag-produce din ng kanyang hit album na “Palm Dreams” na ni-release noong 2017.