News Releases

English | Tagalog

Richard at Sarah, kasama ang manonood sa paghahanda sa kasal

October 07, 2019 AT 03:41 PM

Makakasama ang mga manonood sa paghahanda nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa kanilang inaabangang kasalan sa Marso 2020 dahil matutunghayan ito sa iba’t-ibang palabas at platforms ng ABS-CBN.
 
Una nang naganap ang sorpresang wedding announcement nina Richard at Sarah sa “ASAP Natin ‘To” noong Linggo (Oktubre 12) kung saan nag-alay ng madamdaming love songs ang Kapamilya singers na sina Moira Dela Torre, Jason Dy, Ogie Alcasid, at Martin Nievera para sa soon-to-be married couple.
 
“Nagpapasalamat kami sa ABS-CBN, sa bosses naming, sa ASAP family namin, at sa singers a kumanta. Parang practice na sa kasal namin,” papuri ni Sarah na naiyak sa kanilang performance sa “ASAP Natin ‘To.”
 
Masusundan pa ito ng iba’t-ibang guesting nila sa programa at digital platforms ng ABS-CBN para sa ekslusibong kuwento at pasilip sa paghahanda sa nalalapit nilang kasal.
 
Lubos na masaya ang dalawa sa engrandeng pagsalubong at ipinapadamang pagmamahal ng lahat sa panibagong yugto ng kanilang relasyon.
 
“Lubos kaming nagpapasalamat. Opisyal na ito sa mga magulang, anak, at kaibigan namin. Ngayon oras na para sabihin sa tagasuporta namin at inanusyo sa kanila,” sabi ni Sarah. Dagdag naman ni Richard, “Nagpapasalamat kami sa ABS-CBN at sa mga taong nagtatrabaho para rito. Espesyal ito sa amin at hindi kami makahintay na magbahagi pa tungkol sa kasal namin.”
 
Ibinahagi naman nila na nag-uumpisa na silang plantsahin ang kanilang guest list at magiging principal sponsors. Nakatakda ring lumipad pa-ibang bansa si Sarah sa susunod na buwan upang magsukat ng kanyang wedding gown.
 
Bukod sa preparasyon sa kasal, abala rin si Richard sa shooting ng kanyang pelikula sa ilalim ng Star Cinema kasama sina Bea Alonzo, na makakatambal niya rin sa isang serye, at Angelica Panganiban. Mapapanood naman siya sa unang pagkakataon sa “MMK” kasama si Elisse Joson ngayong Sabado (Oktubre 12).