News Releases

English | Tagalog

"Pera o Bayong" ng ABS-CBN, nagbabalik sa Kumu app

November 12, 2019 AT 10:21 AM

ABS-CBN's "Pera O Bayong" makes digital comeback via Kumu app

Catch "Pera o Bayong" Season 2 on the Kumu app with host DJ Kokoy Martin of MOR Davao from Monday to Friday at 8 pm, with simultaneous airing on select MOR stations nationwide.

Malalaro na ng mas maraming Pinoy sa online
 
Muli na namang umaalingawngaw ang tanong na "Pera o Bayong?" sa pagbabalik ng sikat na larong pinauso ng ABS-CBN sa dating noontime show na “Magandang Tanghali Bayan.”
 
Sa pangunguna ng ABS-CBN Regional, isa na ngayong digital game show ang “Pera o Bayong” na napanood at nalaro na ng maraming Pilipino sa pamamagitan ng social networking at livestream app na Kumu mula Oktubre 28 hanggang Nobyembre 8. Mas marami pang saya at premyo ang ihahatid ng “Pera O Bayong”  tuwing Lunes hanggang Biyernes ng 8 pm sa pagbubukas ng ikalawang season nito sa Nobyembre 18. Sabay din itong eere sa iba-ibang istasyon ng MOR sa mga probinsya at syudad sa labas ng Metro Manila.
  
Samantala, puno naman ng galak ang pinuno ng ABS-CBN Regional sa kanilang bahagi sa pagbabalik ng “Pera O Bayong,” na hino-host ni DJ Kokoy Martin mula sa MOR Davao.
 
“Isang karangalan sa aming pangunahan ang proyektong ito na nagpapakita ng pagiging digital ng ABS-CBN. Malaking oportunidad ito para sa amin upang makapagbigay ng kasiyahan sa mga Pilipino, bata man o matanda, dahil napakadali at napakasayang laruin ng “Pera O Bayong” sa Kumu,” aniya.
 
Sa unang round, sari-saring trivia question ang kinakailangang masagot ng mga kalahok. Ang mga nakakuha ng tamang sagot sa lahat ng tanong ay maghahati sa cash prize para sa araw na iyun. Mula sa kanila, pipiliin din sa pamamagitan ng raffle ang maglalaro sa second round. Sa final round, papipiliin ang kalahok ng isa mula sa tatlong bayong naka-display tulad ng ginagawa sa “Pera O Bayong” noon sa TV. Kasunod nito, aalukin ng host ng pera ang kalahok kapalit ng bayong at ang laman nitong premyo.
 
Ideya ng empleyado ng ABS-CBN na si Paulo Braganza ang dalhin sa digital ang "Pera o Bayong" matapos ma-inspire sa kasikatan ng mga digital quiz at game sa mga Pilipino. Dumaragdag ang “Pera O Bayong” sa mga proyekto ng ABS-CBN sa digital, sa pagpapatuloy ng transisyon nito upang maging isang ganap na digital na kumpanya.
 
Makisaya at manalo ng premyo araw-araw sa “Pera O Bayong” sa Kumu app mula Lunes hanggang Biyernes ng 8 pm sa pagbubukas ng ikalawang season ito sa darating na Nobyembre 18. Eere rin ito ng sabay sa piling MOR stations sa ilalim ng ABS-CBN Regional.
 
Para sa karagdagang impormasyon, sundan ang ABS-CBN Regional page sa Facebook. Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Instagram, at Twitter, o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.