News Releases

English | Tagalog

SEA Games Opening sa ABS-CBN, tinutukan sa buong bansa

December 03, 2019 AT 12:49 PM

Filipinos make SEA Games Opening on ABS-CBN the weekend's most watched program

With its dazzling performances of Filipino cultural dances, star-studded production numbers, and appearances of legendary athletes, the 30th SEAG Opening Ceremony registered a national TV rating of 29.2% last Saturday (November 30) based on data from Kantar Media, the highest for all programs that aired on Saturday and Sunday (December 1).

Panoorin ang mga laro sa SEA Games sa S+A, LIGA, and iWant

Kung libu-libong Pilipino ang dumayo sa Philippine Arena para suportahan ang ating mga atleta sa pambungad na sermonya ng 30th Southeast Asian Games (SEAG), higit na marami pa ang tumutok sa live telecast ng opening ceremony sa ABS-CBN.

Ayon sa Kantar Media, nakakuha ng national TV rating na 29.2% ang 30th SEAG Opening Ceremony noong Sabado (Nobyembre 30), pinakamatas sa lahat ng programa noong Sabado at Linggo, at eksklusibong ipinalabas sa telebisyon sa ABS-CBN.

Mistulang tumigil ang mundo sa pagtutok ng buong bansa sa sayawan, kantahan, pailaw, at mga pasabog sa opening ceremony na tunay na nagbigay ng saya at aliw sa mga nakapanood. Maski sa online, milyun-milyon din ang nanood sa Facebook Live ng ABS-CBN News na nagtala ng 1.8 million views, habang marami rin ang nanood sa streaming service ng ABS-CBN na iWant.

Una nang sinabi ni House Speaker at Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) Chair Alan Peter Cayetano sa panayam niya sa ABS-CBN News na malaking bagay ang pagpapalabas ng opening ceremony sa ABS-CBN. 

“Since hindi naman lahat makapunta doon live it’s a big big privilege and honor to have ABS-CBN cover it live so that not only can all Filipinos win as one but enjoy the opening ceremonies as one," aniya.

Nagkatotoo naman ang sinabi niya dahil damang-dama ang pagkakaisa ng mga Pilipino sa pagpuri sa opening ceremony sa social media, kung saan trending ang mga hashtag at salitang kauganay dito nationwide at worldwide.

Samantala, magpapatuloy ang ABS-CBN sa paghahatid ng aksyon at balita sa SEA Games, na nilalahukan ng 11 bansa sa rehiyon. Live na ipapalabas ang mga laban sa football, volleyball, at gymnastics sa ABS-CBN S+A, LIGA, at iWant, kabilang ang closing ceremony sa Disyembre 11 ng 6:30 pm.

Mapapanood din ang programang “The Score” ng beteranong sports anchor na si Mico Halili ng 9 am at 8 pm para maghatid ng pinakabagong update sa medalyang napapanalunan ng mga bansa, maging mga panayam sa mga Pilipino kampeon, at sports analysts.

Sa iWant, live din ang mga laro sa gymnastics at aquatics, at ilang laban sa athletics. Maaari ring mapanood roon ang mga game sa men’s basketball, 3x3, at weightlifting tampok si Hidilyn Diaz sa video on demand.

Nauna nang inilunsad ng ABS-CBN ang National Cheer Campaign nitong taon upang magbigay pugay sa kagalingan ng Pinoy at pagisahin ang lahat sa pagsuporta sa ating mga pambato sa pamamagitan ng awiting “Isigaw Mo #GalingNatinIto.”

Para sa kabuuang iskedyul at iba pang balita sa 2019 SEA Games, tumutok sa ABS-CBN at S+A at sundan ang @ABSCBNNews at @ABSCBNSports sa Facebook, Instagram, at Twitter, o bumisita sa news.abs-cbn.com,  sports.abs-cbn.com at iwant.ph

Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Instagram, at Twitter, o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.