News Releases

English | Tagalog

Saya ng pasko ang hatid ng SKYdirect sa mga pamilya ng OFW

December 05, 2019 AT 12:26 PM

SKYdirect and Star Cinema bring the Joy of Christmas to OFW family

“Hello, Love, Goodbye’s” Jeff Tam, Lovely Abella, Joross Gamboa, at Kakai Bautista bring surprises

Ngayong Pasko, siguradong may saya na madarama sa pamilya.
 
Ito ang dahilan kung kaya’t nagsama ang SKYdirect at Star Cinema. Kanilang sinorpresa ang isang pamilya ng OFW dito sa Pilipinas sa pamamagitan ng cast members ng “Hello, Love, Goodbye.”
 
Sama-sama sina Jeffrey Tam, Lovely Abella, Kakai Bautista, at Joross Gamboa na bumisita sa pamilya ni Rosario “Baby” de Guzman, isang domestic helper na 24 na taon nang nagtarabaho sa Hong Kong kung kaya’t hindi nakakasama ang pamilya sa maraming Paskong nakaraan.  
 
Dala ng apat ang isang pamaskong handog – isang simpleng salu-salo, ilang Christmas gifts, at isang SKYdirect kit.
 
“Napakasaya ko dahil natupad ang aking pangarap! May SKYdirect na ang aking pamilya. Nagpapasamalamat ako dahil nabigyan ako ng pagkakataong pasayahin sila. Sa SKYdirect at “Hello, Love, Goodbye” family, maraming salamat,” sinabi ni Baby matapos malamang sinorpresa ng HLG Barkada ang kanyang pamilya. 
 
Narito na nga ang saya ng Pasko kasama ang SKYdirect dahil dala nito sa mga pamilya ang mas marami pang pagkakataong magsamasama, sa dami nitong top-rating at exclusive channels in high definition. Ang mga bagong SKYdirect subscribers naman ay makakapanood nang libre ng “Hello, Love, Goodbye” pay per view, plus 10 extra channels —ABS-CBN HD, ABS-CBN Sports+Action HD, Yey, Cinemo, DZMM Teleradyo, Knowledge Channel, Jeepney TV, GMA, TV5, and CNN Philippines—kahit wala pang initial load. Para naman sa mga bagong subscriber na magloload ng Plan 150 pataas sa unang pagkakataon, libreng plan upgrade ang makukuha. Lahat ng ito at marami pa sa halagang Php2,599.00 lang.
 
Para mapanood ang HLG Barkada magdala ng saya sa pamilya ni Baby, at para inyong malaman pa kung paano magdala ng saya sa inyong mga pamilya, pumunta lamang sa mysky.com.ph/joyishere.
 
Ang SKYdirect ay ang direct-to-home satellite service ng SKY Cable Corporation na nagdadala ng saya at mahahalagang impormasyon sa pamamagitan ng iba’t-ibang cable channels para sa mga Pilipino sa lahat ng bahagi ng bansa. Para sa karagdagang impormasyon, magpunta lamang sa mysky.com.ph o i-follow ang SKYdirectph sa Facebook.