News Releases

English | Tagalog

Janella, balik telebisyon sa “MMK” bilang Moira

February 15, 2019 AT 11:35 AM

Janella returns to television as Moira, on “MMK”

Janella Salvador makes her first TV appearance this year on this Saturday’s (February 16) “Maalaala Mo Kaya” as she plays hit singer Moira Dela Torre, while returning Kapamilya Kiko Estrada plays Moira’s husband Jason Hernandez.

Kiko Estrada, Kapamilyang muli
 
Isasabuhay ni Janella Salvador, sa kanyang unang paglabas sa telebisyon ngayong taon, at Kiko Estrada, na nagbabalik Kapamilya, ang pagmamahalan ng hit singer na si Moira Dela Torre at asawang si Jason Hernandez ngayong Sabado (Pebrero 16) sa “Maalaala Mo Kaya.”
 
Isang buong pamilya lang ang naging hangad ni Moira (Janella), ngunit hindi niya ito nakamit at naapektuhan nito ang kanyang pananaw sa sarili.
 
Kung saan-saan hinanap ni Moira ang kanyang sarili hanggang sa sumali siya sa “The Voice” at sumabak sa showbiz. Nawala ang kaguluhan ng kanyang damdamin nang manumbalik ang kanyang pananampalataya. Sunud-sunod na ring dumating ang mga maliligayang pangyayari sa kanyang buhay tulad na lang ng pagmamahalan nila ni Jason (Kiko), ang kanyang bestfriend ng pitong taon.
 
Paano nga ba nahanap ni Moira ang kabuuan ng kanyang pagkatao? Ano nga ba ang kwento ng simula ng pag-iibigan nila ni Jason?
 
Kasama rin sa episode na ito sina Vina Morales, Jeric Raval, at Markus Patterson. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Raymund Ocampo at panunulat ni Mary Rose Colindres.
 
Panoorin ang  longest-running drama anthology sa Asya, ang “MMK,” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.  Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.